Ronnie Liang walang TF sa Bagong Pilipinas rally: Para sa bayan

Ronnie Liang walang TF sa ‘Bagong Pilipinas’ rally: Para po sa bayan!

Ervin Santiago - January 30, 2024 - 09:10 AM

Ronnie Liang walang TF sa 'Bagong Pilipinas' rally: Para po sa bayan!

Geneva Cruz at Ronnie Liang

MATAPANG na lumantad ang actor-singer na si Ronnie Liang para sagutin ang nga isyu tungkol sa pagsali niya sa “Bagong Pilipinas” kickoff rally.

Naganap ang nasabing political event sa Quirino Grandstand nitong magdaang Linggo, January 28, sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr..

Bukod kay Ronnie, dumalo rin sa “Bagong Pilipinas” kickoff rally para mag-perform ang iba pang celebrities para magbigay-saya sa libu-libong taong dumagsa sa naturang event.

Sa kanyang X account (dating Twitter), sinabi ni Ronnie na isa ring piloto at army reservist na wala siyang tinanggap na talent fee bilang guest performer sa naganap na rally.

Baka Bet Mo: ‘Cinderella’ ng Baguio lumantad na, netizens abangers sa final reveal: ‘She is a strong and bubbly woman’

“Tuwing na-iimbitahan po ako sa mga event ng Malacañang o Office of the President, tulad ng Konsierto sa Palasyo o #BagongPilipinas #BagongPilipinasKickOffRally, wala pong talent fee na ibinibigay sa akin (standard rate) (hindi ko lang po alam ang iba), lalo na kung ito ay may kinalaman sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at dumaan ito sa opisina ng Philippine Army,” ang simulang pahayag ni Ronnie.

Patuloy pa niya, “Karaniwan pong binibigay sa akin ay honorarium o budget para sa gasolina, toll gate at food.

“Usually din po, ang mga kinakanta ko sa mga nasabing event ay pagbibigay-pugay sa ating kasundaluhan, katulad ng kantang ‘Mandirigma’ kasama sina Sgt. Geneva Cruz & Sgt Arci Muñoz ng Philippine Airforce,” dugtong ng singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)


Ipinagdiinan din niya na pagseserbisyo at paglilingkod sa bayan ang palagi niyang iniisip bilang isang kawani ng military.

“Ito’y bahagi lamang ng aming sinumpaang tungkulin upang tugunan ang tawag ng tungkulin bilang isang aktibong Reservist,” aniya.

Baka Bet Mo: Netizen rumesbak sa isyu ng paggawa ng porn movies: ‘Ano ba ang stand mo Ronnie Liang? Ang gulu-gulo mo rin ‘no!?’

Bago ito, nag-post din siya ng mensahe tungkol sa pagpunta niya “Bagong Pilipinas” kickoff rally sa Quirino Grandstand.

Aniya, “It’s a special duty for me. As a member of the Philippine Army Reserve Force, it’s always been my responsibility to serve my country when called upon.

“This rally brought together people from all walks of life who share the goal of moving our beloved Philippines forward. Our commitment to our country goes beyond our regular duties – it means actively participating in events like these that promote unity and progress.

“I felt honored and relevant to be able to contribute to such a meaningful event. #ParasaBayan,” pahayag pa ni Ronnie Liang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang binatikos ang iba pang celebrity nang ilabas ng Presidential Communication Office (PCO) ang listahan ng mga guest performer sa nasabing event.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending