MUKHANG promising at palaban ang 10 fresh faces at talents na ipinakilala ng Star Magic sa entertainment media para sa bagong project ng ABS-CBN.
Sila ang masusuwerteng baguhang youngstars na napili para bumida sa latest youth-oriented program na “Zoomers“.
Kilalanin sa pagsisimula ng “Zoomers” sina Zabel Lamberth, Filipino-Japanese Kei Kurosawa, Luis Vera Perez, Erika Marie Davis, Hadiya Santos, Krystal Ball, model Ralph de Leon, Luke Alford, Criza Taa at former Goin’ Bulilit star Harvey Bautista (anak ni Herbert Bautista).
Baka Bet Mo: Liza welcome pa rin sa ABS-CBN sa kabila ng mga pasabog na rebelasyon; Lauren Dyogi may inamin tungkol sa GMA 7
Sa naganap na presscon para sa naturang show, ipinaliwanag ng ABS-CBN creatives heads na sina Ted Boborol, Chad Vidanes at ni Star Magic head Laurenti Dyogi kung paano pinili ang 10 young and new Star Magic artists.
“Sila yung mga may lakas ng loob, yung may grit and tenacity to do this process,” ang simulang pahayag ni Direk Lauren. Aniya, dumaan sa regular audition process ang mga bagets.
“May chemistry rin kasing binubuo eh, lalo na pag love story, pag may anggulo ng love. Meron yang physical compatibilities, personality compatibility, hindi madali yung casting process.
“Pero maganda siyang proseso para na rin sa mga tao behind-the-scenes, ah yung potential,” paliwanag pa niya.
Sabi naman ni Direk Ted, “Fresh siguro sa faces, pero if you hear their stories, they’ve been in the business for many years already. They were not just given the right break.”
Tungkol naman sa kuwento ng “Zoomers”, “Mas maganda yung kwento ng Gen Z ang nagpoportray ay mga Gen Z. Hindi matatandang nagpapanggap na bata. For me, very fresh na kwento nila ito at sila mismo ang gaganap ng mga kwento nila.”
Baka Bet Mo: Sisteraka ni Erik Santos na si Hadiyah mas type umarte kesa kumanta
Samantala, very positive naman si Direk Lauren na susuportahan ng mga manonood ang “Zoomers” lalo na ng mga kabataan.
“Lagi naman tayong tumataya sa bago, importante na tumataya ka sa bago. Lagi naman na ang future ng industriya ay nasa bago. It’s a cycle.
“Later on, sila na yung ano…actually sila Harvey ang tagal na nila sa Goin’ Bulilit. Yung paghihinog sa kanila, matagal. Criza started when she was 13. Si Harvey was 8. So matagal yung proseso, hindi siya bago,” lahad pa ng TV executive.
Napapanood na ang “Zoomers” sa ABS-CBN Primetime Bida block, 10:15 p.m., after ng “Can’t Buy Me Love” na umeere rin sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5 at The Filipino Channel.