“KUNG ayaw mo, ayoko rin!” Yan ang hirit ni Janice de Belen sa isyu ng mga kabataang artista na hindi marunong magbigay respeto sa veteran stars.
Para sa premyado at seasoned actress, dedma lang siya sa mga artistang hindi marunong bumati sa mga artistang nakakatrabaho nila sa teleserye at pelikula.
Hindi big deal kay Janice kung may mga nakakatrabaho siya na hindi marunong bumati at magbigay-galang sa mga senior stars, lalo na yung mga kabataang dinadaan-daanan lang siya.
Baka Bet Mo: Matandang walang respeto boldyak kay Xyriel: Marahil nabastos po ako…
“Dinadaanan ko rin sila. Actually, deadma ako sa ganyan. Ako, deadma. Ayaw niyo, ayaw ko din,” ang sabi ni Janice sa panayam ng content creator at talent manager na si Ogie Diaz.
Pero tila may pagbabanta ang award-winning actress sa mga youngstars na makakatrabaho niya in the future.
“Huwag lang siya magkamali sa lines niya. Kailangan kapag magkaeksena kayo, huwag kang magkamali,” ang warning ni Janice.
Natanong din ang aktres kung may mga nakatrabaho na siyang kabataang artista na nakakalimot ng mga dialogue kapag take na.
Baka Bet Mo: Ruffa nais maging first lady; naloka sa mga nangangaliwa
“Madami! Dyusko,” mabilis na sagot ni Janice.
Ang ginagawa raw niya sa mga ganitong sitwasyon, “Ume-exit ako. (Sasabihin niya sa production staff), “Dito muna ako, ha? Unahin niyo na muna iyan.’
“Or sasabihin ko sa AD (assistant director), ‘Tawagin ninyo ako pag memorized na niya (yung dialogue niya),’” sabi pa ni Janice.
Pagsasabihan ba niya ang ganu’ng artista? “Kung apologetic naman siya, doon ko na lang sa AD sasabihin. Ngayon, kung suplada pa siya, Lord, help me, give me more patience.”
Dagdag ni Janice, “Ako, huwag lang magkamali. Kasi, di ba, tina-try mo naman sila tulungan as much as possible.”
Bwisit na bwisit din si Janice sa mga nagdadala ng cellphone na nakalagay sa bulsa kapag take na nila, “Mahirap kasi yung kaeksena mo may cellphone sa bulsa. Ako, sinasabi ko, ‘Madi-distract ka, e.’
“Nadi-distract ako kasi, unang-una, maririnig yung vibration sa lapel. Second, magka-cut si Direk. So, uulitin natin ito (eksena),” aniya pa.
Ikinumpara pa niya ang mga senior stars sa mga batang artista ngayon, “Mas seryoso ang mga tao, mas nag-aaral ng script.”
Yung ibang youngstars at mga baguhan daw ay nagba-vlog sa gilid ng set, may nagti-TikTok sa kabilang side at may kausap naman sa cellphone ang iba.
“Tapos pagdating sa set, kung kelan mo dapat gawin yung dapat mong gawin, wala na silang alam,” ang reklamo ni Janice.