Belle nag-promise kay Donny, never magiging epal na ka-loveteam

Belle nag-promise kay Donny, never daw magiging epal na ka-loveteam

Donny Pangilinan at Belle Mariano

MULING nagpasiklab sa centerstage ang new gen phenomenal actress at singer na si Belle Mariano para sa kanyang “The Solemn” album launch.

Ginanap ito sa SM City North Edsa Skydome nitong nagdaang Biyernes, January 27 na talaga namang sinugod ng kanyang mga fans at ng mga DonBelle supporters.

Tampok sa successful event ang live performances ng “Can’t Buy Me Love” star mula sa kanyang bagong album na “And Solemn” na ilalabas din sa parehong araw.


Ang “And Solemn” ang pangalawang installment sa two-part album ni Belle na iprinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Baka Bet Mo: Donny, Belle totoong-totoo ang ‘relasyon’, magkasabay na nagma-mature bilang magka-loveteam

Mayroon itong limang bagong awitin kabilang na ang “Autumn” song collaboration nila ng Ben&Ben na iikot tungkol sa journey at determinasyon ng isang tao pagkatapos pagdaanan ang kalungkutan.

Noong nakaraang taon, inilunsad niya ang unang bahagi ng album na tinawag na “Somber” na umani na ngayon ng 18 milyong streams sa Spotify at nagpasikat sa iba’t ibang awitin tulad ng “Somber and Solemn” at “Bugambilya.”

Pinatunayan din ni Belle na siya ay isang certified pop star sa kauna-unahan niyang face-to-face solo major concert na “Beloved” na naganap sa New Frontier Theater.

Mapapakinggan na ang “And Solemn” album ni Belle sa iba’t ibang streaming platforms.


Samantala, todo pasalamat naman si Donny Pangilinan kay Belle dahil talagang nag-effort ito na makapunta sa  premiere night ng “Good Game (GG) The Movie”.

Bukod sa pagiging lead star ng “GG”, si Donny din ang producer nito kaya naman super support si Belle sa kanya pati na ang iba pa nilang co-stars sa “Can’t Buy Me Love.”

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan tuloy pa rin ang panliligaw kay Belle Mariano, nagsabihan na nga ba ng ‘I love you’?

Naroon sina Ketchup Eusebio, Anthony Jennings, Gello Marquez, Vivoree at si Ms. Nova Villa.

“Of course, I wouldn’t miss it,” sey ni Belle bago magsimula ang screening. Wala pa raw siyang napapanood kahit anong clips mula sa movie.

“Sabi ni Donny, surprise daw. Sabi niya, just watch the movie,” sey pa ni Belle.

Chika naman ni Donny, “Kagagaling lang namin sa taping. We were thinking, what if it doesn’t push through, kasi ang haba ng mga eksena. Pero she’s here, and I’m so happy. A lot of the cast actually are here.”

Sabi naman ni Belle tungkol sa pagsosolo ni Donny sa bago nitong movie, “We spoke about it and we’re very supportive of one another and we just continue to support each other with or without ‘yung personal agenda.

“I promise him that I won’t be someone who would hinder him from gawin (ibang projects na wala siya),” paliwanag ng young actress.

Read more...