NANINIWALA at nagpapasalamat ang Kapuso actress na si Kris Bernal na “tamang tao” ang ibinigay sa kanya ni Lord bilang asawa.
Hindi raw nagkamali si Kris sa pagpili kay Perry Choi para maging ka-partner niya sa buhay at feeling super lucky din siya sa pagkakaroon ng mapagmahal na mister at responsableng tatay.
Kaya naman hindi lang daw siya ang swerte kay Perry kundi maging ang panganay nilang anak na si Baby Hailee Lucca.
Mula raw noong ikasal sila ni Perry at sa pagdating sa buhay nila ni Baby Hailee ay marami nang nagbago sa kanilang married life.
Baka Bet Mo: Diego ibinunyag ang tunay na dahilan ng breakup nila ni Barbie: It’s not really because we got jealous of one another
“Actually mas naging maganda, mas naging strong ‘yung relationship namin. Kasi nakita ko kung gaano rin siya ka-resilient noong nagka-baby kami. Talagang very responsible rin siya,” ang chika ni Kris sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”
“It made me realize more na I chose the right person, I married the right man. I married the right person.
“Kasi doon ko na-realize na grabe, very supportive siya all the way kahit nakikita niyang hirap nahirap ako, talagang in-spoil niya ako,” saad ng aktres.
Wala rin daw silang problema sa pag-aalaga kay Baby Hailee, “‘Yung baby kasi namin, talagang mabait, easy baby siya, hindi siya iyakin, hindi siya ‘yung hindi mo nalalapag, sumasama kahit kanino.
“Hindi sensitive ‘yung health niya, ‘yung skin niya. So talagang easy baby lang siya, ang dali niyang alagaan,” masayang pagbabahagi pa ng first-time nanay.
Marami ring changes sa lifestyle at buhay ni Kris mula nang maging nanay na siya, “It’s just that nahirapan lang ako kasi feel ko bagong tao ako. I can no longer recognize my old self. Wala na. The things that I used to love.
Baka Bet Mo: Zeinab Harake inaming single pa rin: Looking for the right Mr. Black
“But I’m loving myself now pero siguro, may hinahanap pa ako sa dati kong sarili.
“Nasa phase pa ako na dini-discover ko pa rin ‘yung bagong ako, ‘yung nagugulat pa rin ako sa mga ginagawa ko ngayon, na kaya ko pala ito, ganito pala maging mommy,” dagdag pang chika ni Kris.
Unti-unti na rin daw umaayos ang kundisyon niya matapos magkaroon ng postpartum anxiety noong ipinagbubuntis niya si Baby Hailee.
“Actually nagkaroon nga ako ng post-partum anxiety, I was diagnosed with post-partum anxiety kasi nahihirapan talaga ako mag-adjust. Pero so far it’s getting better. Okay naman,” sey ng aktres.
Inilarawan din niya ang kanyang pagiging first-time mommy, “Ito ‘yung pinakamasasabi kong pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
“Hindi natin maiiwasan na talagang may pinagdadaanan na post-partum. And gusto ko ring maka-relate sa ibang moms na kung ano ang pinagdadaanan nila pinagdadaanan ko rin,” pahayag pa Kris Bernal.