Gladys, Christopher 31 years nang magdyowa

Gladys, Christopher 31 years nang magdyowa; nag-iiba ang mood pagsapit ng gabi

Ervin Santiago - January 28, 2024 - 11:55 AM

Gladys, Christopher 31 years nang magdyowa; nag-iiba ang mood pagsapit ng gabi

Christopher Roxas, Gladys Reyes

Isinabay na rin dito ang 18th birthday ng kanilang panganay na anak na si Christophe Sommereux.

Naganap ito kagabi, January 27, sa Glass Garden Events Place sa Pasig City na dinaluhan ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan ng pamilya in and out of showbiz.

Ilan sa mga celebrities na um-attend sa event ay sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Ruru Madrid, Bianca Umali, Angelu de Leon, Patricia Javier, Amy Austria, Claudine Barretto, Archie Alemania at marami pang iba.

Dalawang dekada nang nagsasama bilang mag-asawa sina Gladys at Christopher, pero 31 years na silang magkarelasyon.

Baka Bet Mo: Gladys Reyes nasasaktan kapag sinasabing walang ginagawa si Christopher Roxas: May ibang career ang asawa ko

Sabi nga ni Gladys, naniniwala siya at feel na feel niya na pang-forever na talaga ang pagsasama nila ng kanyang asawa at isa sa mga “ingredient” sa solid nilang relasyon ay ang kanilang faith sa Diyos.

Sey pa ng aktres sa 20 years nilang married life ni Christopher, “Mas lalo mong mari-realize na every moment counts. Life is unpredictable.”

Pareho rin daw silang nag-e-exert ng effort para mapanatili ang init ng kanilang pagsasama. Open communication, trust and loyalty pa rin daw ang pinakamahalaga sa isang relasyon.

Tinanong din si Gladys kung may nararamdaman ba siyang pagsisisi o regrets siya sa relasyon nila ni Christopher.

“Sana mas maaga kaming nag-anak. Yun pa yung regrets namin kasi nakunan pa nga ako, di ba, honeymoon baby namin,” sabi ng award-winning actress.

Sey pa ng “Black Rider” actress, okay na raw sa kanila ni Christopher ang apat na anak. Quota na raw siya kaya wala na sa plano nilang mag-asawa ang mag-baby pa.

Inamin naman ni Gladys na hindi rin perfect ang pagsasama nila ni Christopher at nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaintidahan kung minsan.

“Simula nu’ng mag-asawa, siyempre lalo nga kami nagkakabuwisitan. Pero ewan ko ba, pagsapit ng gabi naiiba ang mood,” natawang biro ni Gladys.

Naniniwala rin ang La Primera Contravida na importante rin ang “romansa” sa pagitan ng mag-asawa “to keep the fire burning.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, enjoy na enjoy naman ang mga bisita nina Gladys at Christopher pati na ang mga kaibigan at kaklase ni Christophe sa mga pasabog na sorpresa sa party.

Pak na pak din ang dance showdown nina Vhong, Wowie at Archie na talagang ni-request ng audience pati na rin ni Gladys kaya hindi na nakahindi pa ang tatlong dancer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending