Ruru pinataob ang kalaban: ‘Salamat, Ama! Tunay na walang imposible sa ‘yo!
TULUY-TULOY ang pag-arangkada sa primetime ng serye ni Ruru Madrid na “Black Rider” na tuluyan nang naungusan ang katapat na programa.
Nagtala ito ng people rating na 12.5 percent sa National Urban TV Audience Measurement overnight ratings nitong January 24, habang 12.2 percent naman ang nakuha ng kalaban.
Buong-puso naman ang pasasalamat ni Ruru sa Panginoong Diyos sa bagong blessing na kanyang natanggap at ng buong production ng “Black Rider.”
“Salamat, Ama! Tunay na walang imposible sayo! Pangako na patuloy kong pagbubutihin ang aking ginagawa ng makapagbigay ng magandang programa, saya at inspirasyon sa bawat manonood,” ang sabi ni Ruru sa kanyang social media post.
Pinasalamatan din niya ang mga tao sa likod ng “Black Rider” at sa lahat ng mga loyal viewers nito na mula simula hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa kanilang serye.
“Salamat po sa inyong lahat na patuloy na tumututok at nagmamahal sa Black Rider! Asahan na mas lalo naming pagandahin ang aming programa para po sa inyo!” sabi pa ni Ruru.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra hindi pwedeng mag-guest sa shows na katapat ng ‘Eat Bulaga’, bakit kaya?
Bumuhos din ang bumati sa programa at kay Ruru sa good news na ito.
Say ng isang netizen, “Deserve naman talaga ng Black Rider ang mataas na ratings meaning abay madami kaming natangkilik. Napaka husay ni Ruru pati lahat ng artistang nasa Black Rider tsaka hindi umay ung storya! Congrats sa lahat ng bumubuo ng Black Rider.’’
Mas marami pa nga raw dapat abangan sa mga susunod na gabi ng programa. Magiging kasangga na nga ba ni Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) si Elias (Ruru)?
Abangan ang Black Rider, tuwing 8 p.m. sa GMA Prime at GMA Public Affairs’ FB/YT livestream.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.