Maine Mendoza, MJ Lastimosa sinorpresa si Maja ng bonggang baby shower

Maine Mendoza, MJ Lastimosa sinorpresa si Maja ng bonggang baby shower

PHOTOS: Instagram/@mj_lastimosa, @mainedcm

NAGING emosyonal ang aktres na si Maja Salvador matapos sorpresahin ng kanyang mga kaibigang artista na sina Maine Mendoza at MJ Lastimosa.

Sa isang Instagram post, ibinandera ng dating beauty queen na nagkaroon sila ng baby shower para kay Maja.

Makikita pa nga ang masasayang moments nila kasama ang ilan pa nilang close friends.

Naroon din siyempre ang mister ni Maja na si Rambo Nunez, at ang asawa ni Maine na si Arjo Atayde.

Ayon kay MJ, hindi na siya makapaghintay na ma-meet ang panganay na anak nina Maja at Rambo.

Caption niya sa post, “We can’t wait to meet you baby [emoji] you’re already sooooo loved little one [brown heart emoji] I can already picture you with your mama and dada.”

“What a sight would that be in a few months [emojis] just utterly beautiful I am sure of that,” ani pa niya.

Baka Bet Mo: Angelica ibinandera ang pa-lechon ni Maja, tip niya: ‘Kaibiganin niyo siya!’

Sa comment section, makikita na nag-reply si Maja at doon niya nabanggit na isang surprise ang nangyaring baby shower.

“Thank you Sez! [white heart emoji] salamat sa time umuwi ka pa talaga para i-surprise ako hahaha,” sambit ni Maja.

Nag-post din si Maine sa kanyang Instagram Stories at isa na roon ‘yung pictures na naiyak si Maja at naging emosyonal habang nasa harap ng cake sila ni Rambo.

PHOTO: Instagram Story/@mainedcm

May solo picture din si Maja na kitang-kita na masayang-masaya siya sa naging sorpresa ng kanyang mga kaibigan.

Sey pa ni Maine, “We love you, super mom (to-be!) @maja [white heart emoji].”

Ni-repost naman din ‘yan ni Maja at lubos niya ring pinasalamatan si Maine: “Thank you my Sez @mainedcm.”

“Ang swerte kong kaibigan kita,” ani pa niya.

PHOTO: Instagram Story/@maja

Kung maaalala, noong Disyembre lamang nang inanunsyo ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng babay.

Ibinandera nila sa IG ang sonogram ng kanilang newest blessing.

Noong July 31 nang ikinasal ang dalawa na ginanap pa sa Bali, Indonesia.

Read more...