Jericho Rosales full support kay Kim Jones sa kabila ng chikang hiwalay na

Jericho Rosales full support kay Kim Jones sa kabila ng chikang hiwalay na
NAGPAKITA ng pagsuporta ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales sa kanyang asawang si Kim Jones sa bagong magazine cover nito.

Sa kanyang Instagram story ay ibinandera ng actor-model ang larawan ni Kim na kuha mula sa mga BTS o behind-the scenes ng kanyang photoshoot para sa Mega Magazine.

“‘Grats, Kimboley! Btw game on fayah [fire emoji],” saad ni Jericho sa kanilang IG story.

Super proud si Kim sa kanyang Mega Magazine cover dahil siya mismo ang gumawa ng kanyang make up at styling pati na rin ang directing ng kanyang self-portrait ng kanyang Mega shoot.

Baka Bet Mo: Jericho Rosales ‘happy’ sa piling ni Kim Jones sa kabila ng chikang hiwalayan

Pagbabahagi ng wifey ni Jericho sa kanyang Instagram post, “self-portraits BTS for @megamagazine’s epic 32 years celebration! Thank you for having me as your ‘creative visionary’ you have been there since the beginning and I am always so grateful to work with you!”

Matatandaang lately lang ay laman ng mga balita ang dalawa matapos kumalat ang chikang matagal na pala silang hiwalay at on the process na sila ng kanilang annulment.

Sa kabila nito ay wala namang inilalabas na kumpirmasyon o pahayag si Jericho hinggil sa kumakalat na balita.

Pero base sa nagdaan niyang interview, sinabi ng aktor na ok sila ni Kim.

“No comment because it’s not the place. I never really talk about my relationships but we’re happy, we’re good,” sey ni Jericho.

Read more...