Echo kay Kim Jones: Tiwala siya sa akin na hindi ako magloloko! | Bandera

Echo kay Kim Jones: Tiwala siya sa akin na hindi ako magloloko!

Reggee Bonoan - March 05, 2015 - 02:00 AM

jericho rosales
ANG saya ng usapan sa grand presscon Bridges of Love na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN dahil ginawang running joke nina Edu Manzano at Jericho Rosales ang tungkol sa mga eksenang kinukunan nila na inaabot ng ilang takes – at sinabing sila raw yun.

Well, baka nga naman inaabot ng 34 takes ang dalawang aktor kaya tinatawanan na lang nila ito na pati sina Maja Salvador at Paulo Avelino ay nakitawa rin.

Pero sa kabilang banda ay iba naman ang tumatakbo sa isip ng entertainment press dahil alam naman ng lahat na hindi totoo ito dahil premyadong aktor sina Edu at Echo.

Nagkataon nga kasi pawang Urian best actors ang mga bida ng Bridges of Love na sina Echo, Paulo at Maja para sa mga pelikulang “Alagwa”, “Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa” at “Thelma” respectively.

Kaya sa one-on-one interview namin kay Echo pagkatapos ng presscon ay inamin niyang sumasakay lang siya kay Edu, “Ewan ko diyan, sumasakay lang naman ako,” sabay tawa ng aktor.

Si Echo pala ang isa sa nag-suggest na si Paulo na lang ang ipalit kay Xian Lim na pinul-out ng Star Creatives dahil may gagawin silang serye nia Kim Chiu.

Kaya natuwa ang aktor nang mapasok si Paulo sa Bridges of Love, “Siyempre ganu’n naman talaga, kapag nakabalita ka ng maganda tungkol sa kapwa mo artista, ang tendency ay gusto mo siyang makatrabaho plus the fact na pinupuri rin ang work niya, so ang tendency, magiging magaling ka rin.”

At isa pang natutuwa ang aktor ay ang muli nilang pagsasama ni Maja, “package deal na nga kami ni Maja.” Paliwanag ni Echo, “Masarap kasing katrabaho si Maja, wala na kaming ilangan sa mga eksena like kissing scenes, hindi na kami nag-aalangan, so magaan talaga,” sabi ng aktor.

Kaya natanong ang aktor kung hindi ba nagseselos ang asawa niyang si Kim Jones sa kissing scene nila ni Maja, “Number one supporter ko iyan, si Miss Jones. Walang isyu sa kanya iyon.

Natatawa pa nga sa akin iyon, tumatawag ako sa kanya para sa Legal Wife, ‘I have to do this scene ganyan-ganyan.’ Tinatawanan lang ako.”

“She will never feel insecure and she trusts me very much. I mean, malaki yung tiwala niya sa akin na hindi ako gagawa ng mga bagay na wala namang katuturan,” pangangatwiran ng aktor.

Oo nga bossing Ervin, kilala si Echo simula palang ng karera niya sa ABS-CBN at ni minsan ay hindi naman siya nag-two timer sa mga naging girlfriend niya.

Bale ba, ibinuking ni Echo na number one critic niya ang asawang si Kim talagang nanonood ng intimate scenes,  “Yes, she’s my critic sa lahat, whether acting or music.

“Marami siyang mapapansin sa akin, like, ‘In some sequences, I didn’t see a change in you,’ ganyan. But it’s very rare na babarilin niya nang ganu’n. Ang nire-remind niya lagi sa akin is my discipline.

“And she tells me, for example, ‘How much are you gonna give to this project?’ ‘How much are you gonna receive in terms of promotion, in terms. ‘How much of your time are you gonna dedicate to study (role).

“That’s how much you’re gonna receive,’ parang ganun. “She’s very maintindihin, maunawain, supportive,” pagmamalaki ng aktor.

At maski raw super busy din si Kim sa kanyang career ay hindi nito nalilimutang asawa siya ni Jericho Rosales. “Great. She’s very busy now, Editor-in-chief siya ngayon ng makeup magazine.

She’s busy with her blog, her website. She works with different brands. She does a lot of photo shoots, mini-campaigns, ganyan.
“She also does mga modelling and endorsements, ganyan.

So, iba yung world niya, e, nasa online siya, e. If you check missjones.com, you will see her works,” sabi pa ng aktor.
At ipinagluluto raw siya lagi ni Kim, “nagpapabaon pa iyan ng food sa set minsan.

Papadala iyan ng food, kasi diet-diet, so salad, sandwiches mga ganu’n,” say ni Echo. At sabay sabi pa,  “she’s amazing. Jackpot ako. I think I married a super wife.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bigla tuloy namin naalala ang pelikulang “My Super Ex-Girlfriend” nina Uma Thurman at Luke Wilson. Ha-hahaha!
Anyway, mapapanood na ang Bridges of Love sa March 16, Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN mula sa direksyon nina Richard Somes, Wil Fredo at Dado Lumibao handog ng Star TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending