Jackie Lou inalala ang itinuro ni Pilita Corrales: ‘Never kami pinalaking mayabang’

Jackie Lou inalala ang itinuro ni Pilita Corrales: ‘Never kami pinalaking mayabang'

PHOTO: Instagram/@jackielou.blanco

PARA sa batikang aktres na si Jackie Lou Blanco, ang kanyang ina na veteran actress-performer na si Pilita Corrales ang isa sa naging solid foundation niya pagdating sa mundo ng showbiz.

Sa naging panayam with Amy Austria, sinabi ni Jackie Lou na naging inspirasyon niya ang kanyang ina kaya talagang na-enjoy niya ang buhay-artista.

Inalala pa nga ng aktres ang ilan sa mga natutunan niya kay Pilita at isa na riyan ay ‘yung hindi maging mayabang.

“Coming kami from a Spanish family pero very down to earth ‘yung mom ko. My mom started young, she worked her way to where she was pero never niya kaming pinalaki na maging mayabang,” sey ni Jackie Lou.

Kwento niya, “Hindi [kami] entitled so I wasn’t culture-shock. Yes, may mga words na hindi ko normally naririnig, pero na-enjoy ko being with more people. ‘Ah, ito pala ‘yung mundo ng nanay ko. Masaya pala’.”

Baka Bet Mo: Pilita Corrales aminadong gusto si Rayver para kay Janine, nagtaka bakit naghiwalay ang dalawa

Ayon sa batikang aktres, malaki ang naging impluwensya sa kanya ng ina hindi lang sa entertainment industry, kundi pati na rin sa pagharap ng kanyang personal na problema.

“I think ang blessing siguro for me before was my mom,” sambit ni Jackie Lou.

Chika niya pa, “I remember I had a break-up once na sobrang sakit. And my mom would say, ‘Naku, tomorrow is another day. You have to wake up and find out kung anong klaseng araw bukas kasi kung hindi magiging ganon ang attitude mo baka mamiss mo ‘yung blessings the next day’.”

Dagdag pa niya, “Survivor kasi ‘yung mom ko. She’s gone through so much. So that’s something that I remember, na parang naging gabay ko whenever I would go through something difficult in my life.”

“Even if my parents were separated, I had the best of both. I had my mom, I had my dad…Up to this day, I’m so blessed that my mom had such a big heart. So I owe it to my mom talaga,” ani niya pa.

Para sa mga hindi masyadong aware, anim na dekada ang itinagal ni Pilita sa industriya kung saan binansagan siyang “greatest singer in the Philippines.” 

Si Jackie Lou ang anak ni Pilita sa dati niyang asawa na si Gonzalo Blanco.

Read more...