Pasabog na chika ni Pilita Corrales kinontra: 'Si Janine ang nakipaghiwalay at nang-iwan kay Rayver' | Bandera

Pasabog na chika ni Pilita Corrales kinontra: ‘Si Janine ang nakipaghiwalay at nang-iwan kay Rayver’

Reggee Bonoan |April 11,2022
facebook
share this

Pasabog na chika ni Pilita Corrales kinontra: ‘Si Janine ang nakipaghiwalay at nang-iwan kay Rayver’

Reggee Bonoan - April 11, 2022 - 05:31 PM

Janine Gutierrez at Rayver Cruz

HINDI nagustuhan ng kampo ni Rayver Cruz ang sinabi ng Mamita (lola) ni Janine Gutierrez na si Pilita Corrales na ang singer-actor daw ang umatras sa relasyon nila ng dalaga.

To quote Ms. Pilita sa panayam nito sa vlogger-writer na si Timmy Basil, “Alam mo. I like Rayver. I don’t know what happened. Ang sinabi, si Rayver ang umatras. ‘Yun ang nadinig ko. ‘Yun ang sabi niya. ‘Mita, it’s Rayver.’ Then what can you do, di ba?”

At nabanggit din nitong nasa Amerika ang apo kasama nga raw ang nali-link dito na si Paulo Avelino.

“Nasa Amerika si Janine ngayon alam ko and I know na nandoon din si Paulo, magkasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


“Well, kung talagang… wala na akong magagawa. If it’s really meant to be, it’s meant to be. Kung talagang nagmamahalan sila, sino ba naman ako para magsabi na… kumbaga hindi ko pa siya nakakausap until they come back,” sabi pa ng Asia’s Queen of Songs.

Dagdag pa nito, “Kaya ako naman, ayaw ko nang manghimasok. ‘Uy, si Janine pala may boyfriend na ganito,’ hindi ko naman kilala.

“Unless Janine talks to me, I cannot say anything. Because I can always say I like Rayver. Mahirap na, eh.  Kasi every Sunday dati they go to house to have lunch there, so (nakilala niya kahit paano ang aktor).”

Inamin ni Ms. Pilita na hindi niya kilala si Paulo, “Sino ba ngayon (Paulo), artista ba? Hindi ko alam. I will research and I will ask Janine if she comes back.”

For the record ayon sa kampo ni Rayver, “Hindi si Rayver ang umatras, nagulat na lang siya nang makipaghiwalay sa kanya si Janine noong October, 2021.

“Kung anuman ‘yung dahilan, sila na lang nakakaalam. Sana lang sabihin ni Janine ang totoo na siya ang nang-iwan kay Rayver. Never, never na nang-iwan si Rayver ng girlfriend.

“Hindi siya ganu’n tipong lalaki, gentleman siya at alam ng mga ex-girlfriends niya lahat ‘yun. At alam din nila (exes) na sila ang may dahilan kaya nauwi sa hiwalayan,” sabi ng aming source.

Sa pagkakaalam din namin ay seryoso ang singer-actor sa lahat ng nakarelasyon niya at alam din ng mga ex-girlfriends niya ito, na sobra silang iginalang ng binata.

At sa naging relasyon ni Rayver kay Janine ay inakala ng lahat na sila na hanggang sa huli bagay na inamin din ito ng lola ng dalaga na sa “kasalan” na nga mauuwi ang lahat.

Sa pagkakaalam din namin kaya nagpursigeng magpatayo ng bahay si Rayver ay para sa future nila ni Janine at sa katunayan ay excited nga niya itong ipinakita sa dalaga noong bagong gawa ito kasama pa ang kapatid na si Max.

Hmmmm, may plano na nga yatang mag-propose noon si Rayver kay Janine pero siguro nga hindi sila talaga para sa isa’t isa.

Anyway, masaya ang mga taong nakapaligid kay Rayver dahil nakita nilang naka-move on na ang binata lalo’t nasa tabi niya ang ka-loveteam na si Julie Anne San Jose.

Diretsong tanong namin sa aming source kung sina Rayver at Julie Anne na, “Alam ko hindi pa, parang getting to know each other sila, enjoy sila sa company ng isa’t isa, magkasundo sila sa lahat ng bagay lalo na sa music, kita mo nga panay ang TikTok nila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oo nga, ang sweet ng mga messages nila sa isa’t isa sa Instagram. At halos lahat ng napagtatanungan namin ay boto kina Rayver at Julie Anne.

Pilita Corrales aminadong gusto si Rayver para kay Janine, nagtaka bakit naghiwalay ang dalawa

Payo ni Pilita kay Janine nang ‘tarayan’ ng female celeb: Sana sinampal mo agad!

Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending