Dominic Roque nanghinayang nang maghiwalay ang KathNiel: Nasaktan din ako

Dominic Roque nanghinayang nang maghiwalay ang KathNiel: Nasaktan din ako

Dominic Roque, Bea Alonzo, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

NALUNGKOT at nanghinayang din ang dating aktor na si Dominic Roque nang magkahiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Iyan ang inamin ng fiancé ni Bea Alonzo nang matanong tungkol sa controversial breakup nina Kath at DJ na pinaniniwalaang may kinalaman sa third party sa part ng Kapamilya actor.

Alam naman ng lahat na dating malapit na kaibigan sina Dominic at Daniel ngunit nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon kaya nagdesisyon siyang tumiwalag sa kanilang grupong Nguya Squad.

Baka Bet Mo: Karen kay Korina: Masyado kang nakakatakot noon, so hindi kita makausap…’wag i-deny

Dito kasama rin nila sina Patrick Sugui, Marco Gumabao, Ria Atayde, Zanjoe Marudo, Joe Vargas, Alora Sasam at Joshua Garcia, pati na sina Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Sofia Andres at Daniel Miranda.

Sa interview ng “TV Patrol” kay Dominic, natanong nga siya kung anong naramdaman niya nang magkahiwalay ang KathNiel.

Sabi ni Dominic, kahit hindi maayos ang relasyon nila ni Daniel ay nakisimpatya rin siya sa pagkawasak ng relasyon ng dating celebrity couple.

Tulad ng naramdaman ng libu-libong KathNiel fans, na-hurt at nanghinayang din siya nang kumpirmahin nina Kath at DJ ang kanilang breakup dahil nasubaybayan din niya ang journey ng ex-couple.


“Nakakalungkot kasi, you know, I’ve been part of their journey din as a love team.

Baka Bet Mo: Sikat na aktor nanghinayang sa ‘big project’ kasama ang artistang matagal na niyang pangarap na makatrabaho, anyare?

“Nakita ko rin sila kung paano sila lumaki, paano nila ginawa yun mga bagay together. Nakakalungkot, talagang nasaktan din ako,” paliwanag ni Dom.

Dugtong pa niya, “I’ve been friends for them for a long, long time. Nagkaroon man kami ng falling out ni Deej in the past years, but I’ve been in touch with Kath since.

“Hindi naman kami nawalan ng pag-uusap, I mean ng communication,” aniya pa.

Nauna rito, inamin din ni Dominic na invited si Kathryn sa kasal nila ni Bea this year pero tablado si Daniel.

“Si Kath (invited). Kasi hindi pa naman kami okay ni DJ. I mean, we’re not talking since 2020. We haven’t seen each other for the longest time since 2020,” rebelasyon ni Dominic.

Read more...