Carla Abellana nagpaka-‘fangirl’ kay Bea Alonzo: ‘I still can’t believe this!’

Carla Abellana nagpaka-‘fangirl’ kay Bea Alonzo: ‘I still can’t believe this!’

PHOTO: Instagram/@allaccesstoartists.ph

HINDI na naitago ng aktres na si Carla Abellana ang kanyang pagkasabik ngayong makakatrabaho niya ang award-winning actress na si Bea Alonzo.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Bea ang isang video na ipinapakita ang naganap na story conference para sa bagong serye na “Widow’s War.”

Excited, aniya, ang aktres dahil kakaibang genre ang gagawin sa latest project.

“I’m excited to explore a different genre on TV. It will be a spinoff of the well-loved series, ‘Royal Blood’ and ‘Widow’s Web’,” caption ni Bea.

Nabanggit din niya sa post na masayang-masaya siya dahil makakatrabaho niya sina Carla at ang film director na si Zig Dulay.

Baka Bet Mo: Carla hugot na hugot: Tao rin kami na may emosyon, may mga problema and struggles in life…

Para sa mga hindi masyadong aware, si Zig ang direktor ng hit series ng GMA na “Maria Clara at Ibarra,” at Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 Best Picture na “Firefly.”

“And I’m happy that I’ll finally be able to work with @carlaangeline and @zigcarlo! [red heart emoji],” sey niya.

Makikita sa comment section na hindi makapaniwala si Carla na makakasama niya sa proyekto si Bea.

Mensahe niya, “A surreal and wonderful blessing for me to be working with you, Bea.” 

“I still can’t believe this is happening [sad emoji],” ani pa niya.

Maliban kay Carla, tampok din sa nabanggit na serye sina Gabbi Garcia, Jackie Lou Blanco, Tonton Gutierrez, Mark Herras, Jeric Gonzales, Juancho Triviño, Lito Pimentel, Rita Daniela, Timmy Cruz, Lovely Rivero, James Graham, Charlie Fleming, Matthew Uy, at Benjamin Alves.

Sa inilabas na teaser, mukhang mapapalaban ang tatlong aktres sa mga intense confrontation scene.

Noong nakaraang buwan lamang nang ibinunyag ni Carla ang proyektong “Widow’s War” upang pabulaanan ang mga chikang lilipat na umano siya sa ibang television network.

Sa pamamagitan ng IG Reel, iginiit ng aktres na siya ay mananatiling Kapuso at excited na siya sa team up nila ng “Four Sisters and a Wedding” star.

Read more...