Alex Gonzaga nag-practice maging buntis: Bagay naman di ba?

Alex Gonzaga nag-practice maging buntis: Bagay naman di ba?

TILA nagpa-practice na ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga sa pagiging preggy sa kanilang magiging anak ng asawang si Mikee Morada.

Nag-post kasi ang nakababatang kapatid ni Toni sa kanyang Instagram account nitong Lunes, January 22, ng isang video na may filter na nakapagpapalaki at nakapagpapaumbok ng tiyan para magmukhang buntis.

“Bagay naman diba kaya Lord kahit yung pwet nalang muna [laughing emoji]” pabirong sabi ni Alex.

Agad namang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang naturang video ng TV host-vlogger.

Marami sa madlang pipol ang naantig sa naging post ni Alex na matagal na ring nag-aasam na magkaroon ng baby.

“Nagpapaiyak ka naman mhie! Love you,” saad ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga humagulgol sa pelikulang ‘Firefly’: ‘Gusto ko lalo maging mommy!’

 

Comment naman ng isa, ““Kahit yung kay Maam Alex nalang muna Lord okay pa ko kaya ko pa maghintay. Mas kaya na nya po bumuhay ng bata! Bigay nyo na po sakanila no Konsi!”

“Awwww [heart emoji] The Lord will hear your prayers my dear,” sey naman ng broadcaster na si Karen Davila.

Sabi naman ng isang netizen, “I can’t for that right time to come. Just be patient and let Almighty God give his blessing. Love you Alex! You’ll be a great parents.”

Hindi naman kaila sa madlang pipol ang pinagdaanang miscarriage ng TV host-actress.

Unang nakunan si Alex noong October 21 matapos magkaroon mg blighted ovum.

Ang recent miscarriage niya ay nangyari noong Octover 2023 sa kabila ng pagta-try nilang magbuntis sa pamamagitan ng in-vitro fertilization (IVF).

Read more...