ISA lang naman ang misyon sa buhay ng 72-year-old na si Mang Nanie mula sa Makati City.
‘Yan ay matulungan ang maraming mahihirap na kabataan sa pamamagitan ng libro!
Yes, yes, yes mga ka-Bandera, hindi superpowers ang kailangan ni Mang Nanie upang matupad ang kanyang layunin – kundi napakaraming libro.
Sa naging interview with INQUIRER.net, naniniwala ang senior citizen na sa pamamagitan lang ng “reading” o pagbabasa ay mabibigyan na ng tamang edukasyon ang mga bata, lalo na’t kung hindi nito afford ang makapasok sa paaralan.
At sa kagustuhan nga niyang magawa ang kanyang misyon, ginawa niyang “community library” ang kanyang sariling bahay sa Brgy. La Paz.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: P-pop idol namigay ng P1k para sa pamasahe ng fan
Tinawag niya itong “Reading Club 2000” na kung saan mula sa labas, hanggang sa loob at itaas ng kanyang tahanan ay punong-puno na ng mga libro.
Bukod sa welcome ang lahat na bumisita sa kanyang bahay-aklatan, libre lang din ang mga libro na nandoon.
Pwedeng-pwede ring mag-donate ng mga aklat na hindi niyo na ginagamit, upang mapakinabangan ng iba.
“So ‘yung Reading Club 2000, it was established sometime in the year 2000,” kwento ni Mang Nanie.
Sey pa niya, “I make my display in such a way na very inviting sa pedestrian, and will attract their attention dahil nga kakaiba.”
Bukod sa bahay-aklatan, may tinatawag ding “Book Walk” na kung saan ay naglalaan siya ng oras na maglakad-lakad sa kanilang lugar na may bitbit na mga libro at ipamahagi ito sa mga batang nasa kalsada.
“Namimigay [ako] ng libro sa mga paslit, sa mga dugyot na mga kabataang nasa kalsada sa pangarap na sila ay mayroong matututunan sa iniwanan kong alaala mula sa mga iniwanan kong aklat,” paliwanag ni Mang Nanie.
Dagdag pa niya, “That was my childhood dream since I was at the very young age. Ayun talaga ‘yung hinanap ko sa aking presence. Ang existence natin sa universe, may purpose. Hanapin mo ‘yan. Hindi ka madi-disappoint if you pursue it. It’s a challenge.”
Sa mga nais mag-share ng mga nakaka-inspire na istorya, o kaya naman gustong dumulog o humingi ng tulong, lalo na sa mga nawawalang mahal sa buhay o kahit anong public service announcements, huwag mag-atubiling mag-message sa social media pages ng BANDERA.