BIG issue ngayon sa mundo ng showbiz ang biruan nina Vice Ganda at Anne Curtis sa isang segment ng “It’s Showtime” kahapon, January 20.
Marami kasi ang bumatikos kay Vice dahil sa ginawa niyang pangdo-dogshow kay Anne sa “EXpecially For You” segment ng kanilang noontime show.
Sinimulan ng Phenomenal Box-Office Star ang pagdyo-joke niya sa aktres at TV host sa pamamagitan ng isang dare.
“Sabihin mo nga, ‘Nice, ganda,'” ang sey ni Vice kay Anne.
Inulit naman ito ng aktres at huli na nang ma-realize niya na ang mga katagang “Nice Ganda” ay ang tagline na ine-endorse ni Vice na fried chicken para sa isang fast food chain.
Kilala naman si Anne bilang celebrity endorser din ng fried chicken para sa kalabang local fast food brand na ineendorso ni Vice Ganda.
Baka Bet Mo: Vice Ganda nag-sorry sa madlang pipol, absent sa ‘Miss Q&A Queenfinity War’
Sa napanood naming video sa social media, very obvious ang pagka-shock ni Anne matapos mapagtanto ang nabigkas na tagline.
Mabilis namang nagpaliwanag si Anne on national TV, “Ay, bad yun sa akin.”
Panunukso naman ni Vhong kay Anne, “Naisahan ka, naisahan ka.” Itinuro pa niya si Vice na tawang-tawa, “Ang galing nito.”
Sabi pa ni Anne, “Sorry po. Pasensya na po kayo, hindi ko sinasadya yun.”
“Bakit ka nag-sorry. Maganda lang naman yung…wala ka namang sinabing masama,” hirit naman ni Vice.
Sagot ni Anne sa kanya, “Ikaw, ‘pag nawalan ako ng kontrata. Pasensya na po kayo. Hindi ko po sinasadya. Lapse of judgment, sorry.”
Baling niya naman kay Vice, “‘Pag ako nawalan bayaran mo yun.” Na sinagot ni Vice ng, “Imposible, imposible.”
“Kasi ‘pag siningil ako doon ng ano…” sey uli ni Anne na alalang-alala sa posibleng maging epekto ng pagbanggit niya sa tagline ng kalabang food chain na kanyang ineendorso.
“Sitwasyon ang pinag-uusapan natin. Situational ito,” sey ni Vice na ang tinutukoy ay ang mga kuwento ng contestants sa kanilang programa.
Baka Bet Mo: Anne Curtis naiyak sa birthday message ni Vice Ganda: Winner na winner ka!
“Sige, sige. Tapos for sure trending ito, kakalat na naman ‘to. Baka makatanggap ako ng warning, girl,” ang pag-aalala pa rin ng aktres.
True enough, agad na nag-viral sa socmed ang nasabing segment ng “It’s Showtime.” Nakasama sa mga top trending topic sa a X (dating Twitter) ang “Anne,” “Vice,” at ang mga fast food chain na kanilang ineendorso.
Narito ang ilang reaksyong nabasa namin mula sa mga netizens.
“I am with Anne Curtis on this one. It’s a job and she wants to honor the contract. Be careful na lang po next time Vice Ganda as this is not funny. We can see ung kaba ni Anne.”
“Even the most experienced individuals can have moments of spontaneity. It’s all part of the human experience.”
“Anne over vice ganda anyday. Accluh was insensitive. So yeah.”
“Love the accountability from Anne. But Vice jeopardizing his coworker/friend’s job was plain inconsiderate, rude, and unprofessional.”
“I always thought Vice Ganda thinks before he says something. Hmmm.”
“Queen thing.. Anne owning the mistake (kahit na na trick ni Meme)… so pro pa rin kahit halatang worried.”
Samantala, nag-post naman si Anne sa kanyang Instagram account ng video kung saan makikita siyang lumalafang ng produkto mula sa ine-endorse na fast food chain sa loob ng dressing room.
Kuha ito sa London nang magpunta siya roon para sa isang pictorial.
Komento ng isang netizen, “Bawing bawi po! Ramdam namin pag-aalala mo kanina at pati how well you handled it.”
“She had to act fast to keep that contract sealed and secured love it,” puna ng isa pang netizen.