Jasmine Curtis sa ‘live-in’ setup nila ng BF: ‘It’s been great, it works for us’

Jasmine Curtis sa ‘live-in’ setup nila ng BF: 'It’s been great, it works for us'

PHOTO: Instagram/@jascurtissmith

PARA sa aktres na si Jasmine Curtis-Smith, maganda ang naidulot ng pakikipag-live in niya sa non-showbiz boyfriend na si Jeff Ortega.

Sa podcast na “Updated with Nelson Canlas,” chinika ni Jasmine kung paano nila napapayag ang kanilang mga magulang sa ganitong klaseng set-up.

Naikuwento pa nga ng aktres na medyo bata pa raw siya noong nagsimula silang magsama ng boyfriend, pero dahil dito ay lalo silang nagkasundo at tumagal ang relasyon.

Para sa kaalaman ng marami, walong taon nang magkarelasyon sina Jasmine at Jeff.

“Living in together, for me I think, it’s been great for my relationship with Jeff, as in,” sey ng aktres.

Baka Bet Mo: Jasmine Curtis nag-share ng ‘iwas-bashers’ tips, ‘art of dedma’ kontra nega natutunan kay Anne

Kwento niya, “A lot of people ‘nung una –even friends, syempre even our parents noon medyo nagulat na, ‘Uy! Live-in na sila agad.’ But unang-una sa lahat kasi ‘yung trust ng pareho naming parents has been the most empowering for us to proceed with it.”

“Siyempre kinausap din naman namin sila kasi I think I was in my early 20’s pa at this point and Jeff is already in his mid-20’s kasi we’re four years age gap noon,” patuloy niya.

Chika pa niya, “So may konting shock ‘nung una. Not naman ‘yung parang sobrang out of personality namin ‘yun, but because me also having experienced a bit more of a liberated teenage youth in Australia na normal ‘yun for people even they’re not married, they lived in and rent an apartment together.”

Bagamat naging madali sa kanyang parte ang bumukod dahil lumaki siya sa ibang bansa, naiintindihan din naman daw niya ang kultura dito sa ating bansa kaya naman kinausap muna nila nang mabuti ang parents ng kanyang dyowa.

“I understood here sa Pilipinas, merong cultural conservatism na hindi siya masyadong – ‘yun nga, like you said, ‘normal’ kaya on his side of the family kasi they’re very Filipino,” sambit ni Jasmine.

Dagdag pa niya, “I mean, they’re from La Union, they’re very entrenched in the culture here, it was something I also had to talk to his mom about.”

Baka Bet Mo: Jasmine Curtis napikon nga ba sa style ng pagdidirek ni Laurice Guillen?

Nabanggit din ng aktres na marami ang curious kung paano nila nama-manage ang personal growth at “me time” kung magkasama na sila sa iisang bubong.

Ang sagot diyan ni Jasmine, “Because we’re each other’s bestfriends, we are each other’s support system, ewan ko, parang meant to happen lang talaga siya samin, ‘yun ‘yung naramdaman ko.”

Sinabi rin niya na swerte siya sa kanyang partner dahil matured na raw itong mag-isip at magdesisyon na talaga namang nakakatulong sa kanilang pagsasama.

“He is four years advanced, I’m so glad na mature siya…he is way more advanced. Ramdam ko ‘yung guidance din niya sometimes. So it’s nice, it’s a beautiful relationship,” saad niya.

Bandang huli ay ipinaalala ni Jasmine na isang “disclaimer” ang kanyang mga inilahad dahil hindi naman daw ito naaangkop sa lahat ng tao.

Ang kanyang mga shinare, aniya, ay personal niyang mga karanasan at ito ang napagkakasunduan nila ng kanyang dyowa.

“It works for us and ako rin naman, I understand ‘yung why people also don’t want that,” sey ni Jasmine.

Paliwanag niya, “Because for some people, maybe, with their personalities, they prefer to save that or see that experience of discovering the bad side once they made that official written document.”

Read more...