Kuya Kim ibinandera ang bagong ‘adopted’ dog, umabot na sa 46 ang fur babies

Kuya Kim ibinandera ang bagong ‘adopted’ dog, umabot na sa 46 ang fur babies

PHOTO: Instagram/@kuyakim_atienza

PROUD na ipinakilala ng TV host na si Kuya Kim Atienza ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Ito ang 3-year-old labrador na si Sadie!

Sa Instagram, ibinandera ni Kuya Kim ang ilang pictures ng cute na cute niyang adopted na fur baby.

“Welcome to our new adoptee Sadie, a 3 year old yellow lab!” wika niya sa caption.

Mensahe pa niya, “Hope you enjoy your life with the Atienza doggie pack!”

Baka Bet Mo: Paalala ni Inka Magnaye sa lahat ng may alagang hayop: ‘Huwag silang palakarin sa mainit na semento at buhangin’

Sa comment section, makikita na marami ang naging curious sa alagang pet animals ni Kim at dito niya ibinunyag na nasa 46 na ang kanyang mga aso.

“Kuya Kim, how many fur babies in total na po? [happy emoji] A house full of dogs is a house full of love and happiness. It’s chaotic sometimes but all totally worth it [red heart emojis],” tanong ng isang netizen.

Sagot sa kanya ng TV host, “hahaha 46.”

Ngunit mukhang lalo pa ‘yan madadagdagan kasi sinabi rin ni Kuya Kim na magkakaroon ulit sila ng  bagong alaga next week.

“Are you planning to adopt former or current stray Aspin? I hope so,” usisa ng isang socmed user.

Sey sa kanya ng TV host, “yes next week.”

May umusisa rin sa kanya kung ilan na nga ba ang alaga niyang Labrador.

Ang tugon naman niya riyan ay lima na.

Kung maaalala noong Mayo ng nakaraang taon nang ibinahagi ni Kuya Kim na mayroon siyang 35 na aso bukod pa sa mga alagang exotic animals.

Pagmamalaki pa nga ng TV host, karamihan sa mga aspin ay mga rescued dogs.

Aminado si Kuya Kim na mahirap mag-alaga ng ganyang karaming aso, pero worth it daw ito dahil nagbibigay ito ng ligaya sa kanilang pamilya.

Read more...