SUPALPAL na naman ang isang netizen sa Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang matapos magkomento sa social media post ni Lee O’Brian.
Nireplayan ng komedyana ang isang netizen na nagkomento sa isang Instagram post ng kanyang ex-partner na isa ring American actor.
Ito yung birthday greeting ng American actor sa anak nila ni Pokey na si Malia nitong nagdaang January 18 kung saan ibinahagi nga niya ang litrato nila ng bagets.
Mukhang super read talaga ang TV host-comedienne sa mga comments ng netizen sa naturang post ni Lee dahil sinagot nga niya ang isang IG user na nag-react sa post ni Lee.
Baka Bet Mo: Marian may 1 katangiang hahanapin sa susunod na Miss Universe, ano kaya yun?
Sinabi nito sa dating dyowa ni Pokey na darating din ang tamang panahon na hahanapin din siya ni Malia paglaki nito.
Sey ng netizen, “Huwag kang mag alala Lee darating ang panahon si Malia mismo ang pupunta sayo.”
Hindi ito pinalagpas ni Pokwang na nagkomento ng, “Oo para sumbatan sya dahil di naman nagpaka ama sa socmed lang tse!”
May ilan pang bumatikos kay Pokwang dahil sa naging komento niya sa post ng IG follower ni Lee.
“No matter what she’s still the father of your child. Pls . don’t teach your daughter to hate her dad . Maybe u can be friend and have peace. Ask Christian remove negativity to yourself.”
“Tapos pag Di nagparamadam sasabihin nman, ultimo birthday ng anak nya Di maalala,, suskupo tao nga nman.”
“He may not be a good partner to you, but he can be a good father to Malia, later on when the time is right she will ask YOU why you banned her dad from seeing her… I feel your pain but the best way to heal is to forgive and move on.”
Matatandaang lumambot pansamantala ang puso ni Pokwang para kay Lee nang pumayag uli siyang makasama nito ang kanilang anak last year.
Maraming netizens ang natuwa sa ginawa ni Pokey. Sabi ng isa niyang IG follower, “I’m glad that Pokwang allowed you to meet Malia. After the nasty word for you.”
Pero komento ng komedyana, “Last na nila tan bwahahahahhaa party paaarrttyy!!! iyak na kayo!”
At noong December 12, 2023 nga, ipag-utos ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapa-deport kay Lee dahil sa isinampang reklamo ni Pokwang.
Kabilang din si Lee sa nasa blacklist ng government agency dahil sa violation ng kanyang work visa, cancellation ng kanyang pre-arranged employment visa, at ang pag-isyu ng Warrant of Deportation laban sa kanya.