Dingdong isa sa pinaka-rich na aktor ngayon; hataw sa TV at pelikula

Dingdong isa sa pinaka-rich na aktor ngayon; hataw sa TV at pelikula

Dingdong Dantes

ISA na sa itinuturing na pinakamayamang aktor at TV host ngayon sa Pilipinas ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Yan ang feeling ng veteran entertainment columnist at talent manager na si Nanay Lolit Solis dahil nga sa dami ng projects ngayon ng husband ni Marian Rivera.

Bukod kasi sa sunud-sunod na teleserye at iba pang TV show ni Dong sa GMA 7 ay marami rin siyang nagawang pelikula nitong mga nagdaang taon.

Ang latest nga ay ang blockbuster hit movie nila ni Marian na “Rewind” na nag-number one sa matagumpay na Metro Manila Film Festival 2023 na nangwasak din ng record sa Philippine movie industry.

Baka Bet Mo: Anak nina Claudine at Raymart pasadong matinee idol; Dolphy tuluy-tuloy pa rin ang pagpapatawa

Natalo na ng “Rewind” ang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards bilang “highest-grossing movie of all time” sa bansa matapos itong kumita ng mahigit P845 million worldwide.

Aside from this, hataw kung hataw nga si Dong bilang host sa iba’t ibang show ng GMA 7, kabilang na riyan ang top-rating program niyang “Family Feud” at “Amazing Earth.”

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Nanay Lolit ng litrato ni Dingdong na may caption na, “Mukhang year ngayon ni Dingdong Dantes , Salve. Talagang ang dami niyang ginagawa at halos araw araw mo napapanuod sa tv.


“Iba din ang atake niya sa trabaho kaya naman gusto siya ng lahat ng nakasama niya. Hindi mo maikakaila na talagang very hot siya ngayon dahil sa mga trabaho niya,” aniya.

Ikinumpara rin niya ang Kapuso superstar sa Kapamilya Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual na maingay na maingay din ang pangalan ngayon dahil sa dami ng kanyang proyekto.

“At talagang iba din ang charisma niya sa screen. Tulad ni Piolo Pascual na talagang gustong gusto mo panuorin ganuon din si Dingdong na gusto mo rin laging nasa screen.

“Kaya nakakatuwa na makitang ganuon ka busy si Dingdong Dantes. More work, more income kaya naman hula namin isa na sa pinakamayaman aktor ngayon si Dingdong Dantes.

Baka Bet Mo: Dingdong Dantes may pa-tribute sa mga nanay, palihim na inendorso si Leni Robredo?

“Bonggang bongga si Donya Marian Rivera dahil siya legal wife ng most lovable actor ng showbiz. Congrats talaga,” pahayag pa ni Nanay Lolit Solis.

Kahapon, January 20, nagsimula na ang bagong season ng sitcom ng DongYan na “Jose and Maria’s Bonggang Villa 2.0!” kung saan producers din ang celebrity couple with GMA 7 at APT Entertainment.

Kasama rin dito sina Benjie Paras, Pekto Nacua, Shamaine Buencamino, Pinky Amador, Johnny Revilla, Hershey Neri, Loujude Gonzalez at Pokwang.

Read more...