Daniel 'pinakamayamang' young actor, hinding-hindi na maghihirap sa dami ng pera | Bandera

Daniel ‘pinakamayamang’ young actor, hinding-hindi na maghihirap sa dami ng pera

Julie Bonifacio - August 28, 2018 - 12:05 AM

PUNO ng confidence si Karla Estrada when she announced on TV na hindi na maghihirap ang kanyang anak na si Daniel Padilla dahil nakapag-save na sila ng limpak-limpak na salapi.

Sabi pa ni Karla sa morning talk show niya hindi lang si Daniel ang assured na ang future financially, kundi pati na ang magiging mga anak at apo ng boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Ibig din kayang sabihin nito na si Daniel na ang pinakamayamang young actor sa kanyang henerasyon?

And speaking of Daniel, excited na raw ang anak ni Karla na maging personal assistant ni Kathryn. After kasi ng movie nila under Direk Cathy Garcia-Molina, ang “The Hows Of Us,” na ipalalabas na sa mga sinehan on Aug. 29, ay may gagawin namang pelikula si Kathryn minus Daniel.

Pero iba naman ang nararamdaman ni Kathryn sa pagsosolo niya. Nalulungkot daw siya at kinakabahan. Hindi raw kasi niya alam ang feeling kapag wala sa tabi niya sa set si Daniel.

“Kunwari, wala sa tent, wala akong ka-share, wala akong pupuntahan kapag mainit ang ulo ko, walang magko-comfort. Mix of emotions. Pero excited din ako kasi bago ito sa akin, e.
Sana maging maayos naman ang lahat. Sabi naman niya dadalaw siya sa set nang madalas,” dasal ni Kathryn.

Anyway, ang “The Hows Of Us” ay ang muling pagsasama-sama nina Kathryn, Daniel at Direk Cathy sa pelikula mula sa matagumpay nilang proyekto na “She’s Dating The Gangster” noong 2014.

Kabilang din sa pelikula ang kauna-unahang pagsabak ng singer na si Darren Espanto sa pag-arte, with Juan Miguel Severo, Alwyn Uytingco, Kit Thompson, Ria Atayde, Susan Africa at Jean Garcia.

q q q

Effort to the max si Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Diño sa ginanap na Pista ng Pelikulang Pilipino awards night sa Whitespace, Makati City last Sunday. Dinatnan namin siya sa venue na punung-abala sa pagse-set up ng props.

After that, nakatsikahan namin si Chair Liza and she’s happy dahil ang total box-office result ng mga kasali sa 2nd PPP is more than P60 million after five days of showing.

Napili para sa Audience Choice award ang “The Day After Valentine’s” at ang “Bakwit Boys.”

Nakaka-sad lang na kabilang sa bottom three sa box-office standing ang movie nina Phillip Salvador and Gina Alajar na pinamagatang “Madilim Ang Gabi.” Pero baka naman nakabawi rin sila sa huling araw ng PPP.

At least nagkaroon ulit ng time si Kuya Ipe na makagawa ng pelikula sa kabila ng kabisihan niya sa pagsuporta sa mga proyekto ni Presidente Rodrigo Duterte. Isa si Kuya Ipe sa mga solid supporter ng Pangulo.

Kaya nu’ng malaman ni Kuya Ipe na sinabi ni Joma Sison (ng Communist Party of the Philippines) na nasa “coma” si Digong sanhi ng matinding sakit ay natawa na lang ang aktor.

Kung tutuusin ay malapit si Kuya Ipe sa mga kapanalig ni Joma dahil bukod sa kilalang gumaganap na NPA rebel ang aktor, anak-anakan siya ng namayapang dakilang direktor na si Lino Brocka.

Maraming ginawang pelikulang maka-Kaliwa si Direk Lino noon gaya ng “Ka Hector,” “Father Balweg” at ang mismong leader ng armed group ni Sison na si “Bernabe Buscayno alyas Kumander Dante.”

Pero dahil sa pagtalikod ni Sison sa samahan at iniwan ang Pilipinas matapos palayain ni dating pangulong Cory Aquino (who by the way ay muntik maging biyenan ng award-winning actor), dismayado rin ang tulad ni Kuya Ipe na naniwala sana sa ipinaglaban kuno ng CPP-NPA.

Ngayon ay masugid na kapanalig na ni Digong si Phillip kaya apektado rin siya sa fake news na ikinakalat ni Sison tungkol sa Pangulo. Pero ang best friend ni Kuya Ipe na si SAP Bong Go ay mas maluwag na tinatanggap ang paninira ni Joma.

Say ng mahusay na aide ng Pangulo, “The President is in a kama (bed), not in a coma.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero mas malupit naman ang comment ni Digong para sagutin ang fake news ni Sison, “You are the one who is sick.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending