Lolit Solis naawa kay Daniel: Sana huwag maapektuhan ang career

Lolit Solis naawa kay Daniel: Sana huwag maapektuhan ang kanilang career

Therese Arceo |January 17,2024
facebook
share this

Lolit Solis naawa kay Daniel: Sana huwag maapektuhan ang kanilang career

Therese Arceo - January 17, 2024 - 03:43 PM

Lolit Solis naawa kay Daniel: Sana huwag maapektuhan ang kanilang career

Lolit Solis at Daniel Padilla

HINDI maiwasang mahabag ng talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis sa kasalukuyang pinagdaraanan ni Daniel Padilla.

Sa isa sa kanyang mga Instagram post ay ibinahagi niya ang kanyang opinyon ukol sa mga intrigang ibinabato sa binata.

“Salve parang naawa naman ako kay Daniel Padilla. Tutoo na baka siya ang may kasalanan sa break up nila ni Kathryn Bernardo, pero di ba sabi nila it takes two to tango?” panimula ni Lolit.

Matatandaang lately ay madalas na laman ng mga balita ang binata nang ianunsyo ni Kathryn Bernardo na hiwalay na sila matapos ang mahigit isang dekadang pagsasama.

Pagpapatuloy ni Lolit, “Puwedeng na outgrow nila ang feelings nila sa isa’t isa pero dapat lang na maunawaan ito ng mga taong nakapaligid sa kanila.”

Aniya, dapat lawakang ng mga fans ay ang pang-unawa sa mga nangyari sa kanilang mga hinahangaang artista.

Baka Bet Mo: Lolit Solis ipinagtanggol si Janno Gibbs: Nasa puso niya ang ama

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi dapat na isa lang ang sisihin, dapat makita nila ang wider picture ng lahat. At sana naman huwag maapektuhan ang kanilang career dahil lang dito,” chika pa ni Lolit.

Dapat rin daw ay makita ng madlang pipol na sayang ang talento ni Daniel kung maapektuhan ng mga intriga ukol sa hiwalayan nila ni Kathryn ang kanyang karera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Patronize them dahil mahusay silang artista.

“Kaya nga dapat wala na muna iyan loveteam sa mga batang artista para mas magaan ang kilos nila. Hindi iyon apektado sila pag may naghihiwalay. Hindi bongga di ba Salve at Gorgy,” sey ni Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending