Daniela Stranner pinahanga ang netizens sa 'Senior High'

Daniela Stranner pinahanga ang netizens sa pag-arte sa ‘Senior High’

Therese Arceo - January 21, 2024 - 05:33 AM

Daniela Stranner pinahanga ang netizens sa pag-arte sa 'Senior High'

LABIS na hinangaan ng madlang pipol ang magaling na pag-arte ng Kapamilya actress na si Daniela Stranner.

Talaga namang pinalakpakan ng mga netizens at mga masugid na mananonood ang magaling na pagganap ni Z sa hit seryeng “Senior High“.

Sa isang eksena ng naturang serye ay mapapanood ang matinding sigawan at iyakan nina Daniela at ng beteranong aktor na si Mon Confiado na gumaganap bilang si Gov. William na talagang pinuri ng mga netizens.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng madlang pipol ukol sa eksena ng dalawa.

“Daniela Stranner is the moment. Lumabas range ni accla sa Senior High. The way I see her, mukhang game si accla for more challenging roles. Go girl!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Galing nya, parang Hindi sya baguhan SA showbiz my god good job as in brabooooo.”

Baka Bet Mo: Cast ng ‘Tara G’ lumebel sa pakilig at akting ng ‘Tabing Ilog’ barkada; tambalang Anthony-Daniela at JC-Kaori may happy ending kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“mahirap yung gantong acting ah.. like extreme anger tapos pasigaw na may pag iyak.. I remember nung nag audition ako sa Teatro nun.. pinagawa saken toh.. mukha akong tanga hahaha,” papuri naman ng isa kay Daniela.

May mga nagsasabi pang parang child actress ang datingan ng dalaga dahil sa husay nitong makipagsabayan sa aktingan.

“Tama ung prediction ni Direk CGM/CGS… Daniela has a future in showbiz di man sya ang next Bea Alonzo. But she shine in her own. Along with Anthony Jennings. Si Jeremiah at Kaori naman sana ang next,” hirit pa ng isa.

“Ang shala ng build up ng intensity ni accla. Apakalalim ng hugot! Yung mata nagaapoy sa pandidiri at gigil. Kavogue,” sey pa ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending