Gelli de Belen pinagsabihan si Janice sa mga red flags ni John noon
SI Gelli de Belen pala ang naka-diskubreng maraming red flag ang ex-husband ni Janice de Belen na si John Estrada.
Ito ang inamin ni Gelli sa panayam sa kanila ni Karen Davila para sa YouTube channel nito na in-upload kahapon, Huwebes.
Ayon kay Gelli pagdating sa lovelife ng ate Janice niya ay lagi siyang nagpapaalala.
Kaya natanong ni Karen kung sino ang mga nakarelasyon ng ate niya ang hindi siya boto.
“Actually, isa lang naman ‘yung nakitaan ko ng red flag kasi wala pa ako sa wisyo sa ibang boyfriends niya. Kasi I was very young like, oh my God si Gabby Concepcion nasa bahay namin (humagalpak ng tawa si Karen). Ay si Aga Muhlach, tatay ng pamangkin ko (Luigi/Iggi Boy).
“Nu’ng naging sila ni John meron na akong wisyo and siyempre it’s small industry, I could hear things, I would find out and stuff. And I would tell her, ‘look this is going on baka gusto mong pagtuunan ng pansin,” kuwento ni Gelli.
Sa tanong kung nao-offend si Janice sa ginagawa ng kapatid, “siyempre, so, feeling ko kontrabida lang siya.”
Baka Bet Mo: Gelli de Belen tinalakan si Janice nang matalo sa ‘Tumpakners’ game: Walang pag-asa!
View this post on Instagram
Hirit kaagad ni Gelli, “gusto ko ba namang gawin lang ‘yun? Saka hindi ka ready makinig, eh (sabay tingin kay Janice). Ganu’n kasi tayo pag hindi tayo ready (makinig).”
Inamin ni Janice na nagagalit siya kay Gelli sa mga kuwento nito tungkol kay John at hindi niya pinapansin ang kapatid, may silent war kami.”
“Hindi ka niya kakausapin or hindi ka niya kikitain, ganu’n! ‘Yung common friends in the industry thankfully dahil nakikita mo talaga ‘yung concerned na they real and true because they call me. ‘look this one I saw.’
“Ayaw ko namang siraan na si John kasi tapos na and okay na, ito lang ‘yung pinagdaanan namin,”paliwanag ni Gelli.
Sa buong buhay nina Janice at Gelli ay itong kabanata ni John sa buhay ng una ang naging mahirap sa kanila bilang magkapatid.
“I remembered na one of the times na toward the end na talaga kasi nakailang beses akong sabi sa kanya na hindi naman talaga umubra, so hinayaan ko na lang ayaw mo (maniwala – Janice) wala akong magagawa.
“One of the last time I told her, very definitive, sabi niya (Janice), ‘I want proof.’
Proof ba kamo, naghanap talaga ako ng proof,” sambit ni Gelli.
Natawa si Karen at sinabing ibang level ang sisterhood ng magkapatid.
“Kasi If I had done through the same thing sino pa baa ng dadamay sa akin kundi kapatid ko? I have a lot of friends pero at the end of the day your family really will look out for you, ‘yung would go extra mile for you kasi pamilya ‘yan, eh. Everybody knew (ginagawa ni John) but nobody was talking.
“Kaya naghanap talaga ako ng proof I was very aggressive with this one, I don’t know if I want to explore,” kuwento pa ng aktres.
Pinigilan ni Janice ang kapatid sa gusto pa nitong sabihin at nang pakitaan na siya ng pruweba ni Gelli ay hindi pa rind aw kaagad nag sink in. Natagalan pa bago niya ito natanggap.
Gigil na sabi ni Gelli, “yang it took a while na ‘yan. Umabot pa ako sap unto na nagpa-private imbestigador ako, umabot ako sa ganu’n punto, itodo na natin ito.”
“It took a while kasi kung totoo, anong gagawin ko?” katwiran naman ni Janice
Dagdag pa, “but when I made my final decision, siya (Gelli) ang una kong sinabihan at siya pa ‘yung naiyak, sabi ko, ‘Gelli I’m getting an annulment.’
“Sabi niya, ‘huh, annulment? Talaga (sabay punas ng luha) sure ka na talaga diyan? Kaya tinanong ko, ‘bakit ikaw ang naiiyak?”
Sagot ni Gelli bakit siya naiyak, “because it was final! Siyempre ‘yung separation of a family is no joke, and a big deal it’s not between the two of them, eh. It’s the kids.”
Katwiran ni Janice, “you know letting me know all these things had nothing to do with her wanting us to separate. She just wanted me to see things, base myt behavior, or how I do things, my choices on what I already know. Looking back at it, I appreciate it. Siiyempre noon hindi typical akong nai-in love na tanga, bulag, pipi (at) bingi ‘yun ako, but then she had to be my eyes, she had to be my mouth and my ears that time.”
“And your conscience,” say ni Gelli.
Nakikinig ba si Janice kay Gelli
“Hindi ganu’n si Janice, si Janice it takes a while period!” diing sabi ni Gelli.
Sabi ulit, “pero pag naisip na niya masyado namang mabilis definitive no looking back.”
At sa tanong ni Karen kung sino ang tanga sap ag-ibig.
Nagtaas kaagad ng kamay niya si Janice, “winner ako.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.