Andrew Schimmer kinumpirma ang nalalapit na kasal kay Dimps

Andrew Schimmer kinumpirma ang nalalapit na kasal kay Dimps

Therese Arceo |January 19,2024
facebook
share this

Andrew Schimmer kinumpirma ang nalalapit na kasal kay Dimps

Therese Arceo - January 19, 2024 - 01:47 PM

Andrew Schimmer kinumpirma ang nalalapit na kasal kay Dimps

KINUMPIRMA ng aktor na si Andrew Schimmer ang nalalapit nilang kasal ng kanyang bagong partner na si Dimps Greenvilla.

Sa kanyang panayam sa YouTube vlog ni Julius Babao, idinetalye niya ang kanilang naging love story ng fiancée.

Pagkukuwento ni Andrew, hindi niya hinanap ang kanyang bagong fiancée bagkus ipinagkaloob ito ng Diyos sa kanya.

“Blessing na blessing na blessing talaga ‘yung pagpasok niya kasi timing na timing.’Yung panahon ng pagpasok niya, ‘yun ‘yung mga panahong hirap na hirap na akong maghanap ng pwedeng katuwang sa buhay.

“Hindi ‘yung tutulong sa iyo physically, support system ba. Hindi naman sa naghahanap pero nag-iisip ako paano o kung anong direksyon ang pupuntahan namin kasi naaawa ako sa mga bata,” kwento ni Andrew.

Napapansin rin kasi niya na longing na ang mga bata na magkaroon ng ina na makakasama nila sa paglaki.

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer, GF na si Dimps ikakasal na sa Feb. 14, true kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kaya itong pagpasok ni Mommy Dimps sa buhay namin, napaka-blessing talaga kasi right on time siya… Hindi ko naman siya hinahanap. Hindi namin pinuwersa ‘yung mga bagay-bagay,” kwento ni Andrew.

Aniya, parang naawa na sa kanya ang Panginoon kaya siguro binigyan na siya ng makakasama sa pagpapalaki sa kanilang anak.

“Sabi niya siguro, ‘Anak sige eto na nga. Ito na nga. Awang awa na ako sa ‘yo,'”chika pa ni Andrew.

Pasabog ng aktor, hindi raw talaga nila kilala ang isa’t isa at hindi rin daw ito aware na artista siya.

Ni-recommend lang daw siya ng common friend ng yumaong partner para i-promote ang isa sa business nina Dimps at yun lang ang koneksyon nila noon pero ilang beses raw itong hindi natutuloy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil nga raw hindi matuloy tuloy ay gumawa na lang ng promo video si Andrew para sa negosyo nito at doon na nagsimula ang kanilang pag-uusap.

Nang matanong naman siya kung kailan na mangyayari ang kanilang big day, sinabi ni Andrew na nais sana niyang isabay ito ng Valentines Day at kinukuha pa niyang ninong at ninang sina Julius at Tintin.

“February 14. Sabi ko, ‘Why wait? Let’s do it na,'” masayang hayag ni Andrew.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending