Botika hindi nagbabayad ng upa, kaserang senior citizen nagreklamo
ISANG senior citizen ang dumulog sa “CIA with BA” upang humingi ng tulong at payo mula sa magkapatid na senador na sina Alan Peter at Pia Cayetano.
Sa segment na “Payong Kapatid” sa episode nitong Linggo, January 14, kumonsulta sa programa si Flor Basinillo, 81, kung ano ang dapat gawin sa kanyang tenant na nagtayo ng botika sa kanyang pwesto at hindi pa nagbabayad ng upa mula noong pandemya.
Ayon kay Basinillo, sinabi ng tenant na hindi nila kailangan magbayad dahil wala naman siya di umanong titulo at rights para sa pwesto.
Baka Bet Mo: Pokwang dumulog sa abogado, may mga gustong bawiin at linawin kay Lee O’Brian
“Sa mga kasong katulad nito, ‘pag hindi na nakikinig sa ’yo, papasok na ‘to sa kamay ng batas,” pagbabahagi ni Sen. Alan. “As a general rule, hindi pwedeng bigla na lang hindi magbabayad tapos sasabihin, ‘hindi ko sure.'”
Paliwanag naman ni Sen. Pia, “Kung ang umuupa ay kinilala kayo na kayo naman ang binabayaran niya ng upa, hindi niya pwedeng baguhin ‘yon after one year or two years… tapos biglang, ‘ay hindi na pala kayo ‘yung may-ari?’ Hindi ho pwede ‘yon. Nandiyan po ‘yan sa rules of court.”
“Basta once na nagkasundo kayo, ikaw ang landlord niya, siya ang nangungupahan, hindi niya ‘yan pwede itanggi,” diin pa niya.
Sa dulo ng segment, makikitang tinulungan ng “CIA with BA” si Nanay Flor na gumawa ng demand pay and vacate letter upang ibigay sa tenant. Ipinaliwanag din ng mga abogado ang mga susunod na hakbang.
Baka Bet Mo: Pura Luka Vega nanawagan ng donasyon, pinaghahandaan ang pagharap sa korte
Sa pagtatapos ng episode, ipinaalala ni Alan sa mga manonood, “Minsan sinasabi natin sa sarili, hindi sapat na hindi tayo gumawa ng masama. Pero there are many cases pala na kailangan gawin din natin ‘yung tama. So hindi sapat na neutral ka, hindi sapat na hindi ka gumawa ng masama.”
“This year, gawin nating isang resolution natin ‘yon — hindi lang tayo neutral, hindi gagawa ng masama, let’s do something good,” dagdag pa niya.
Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.