Kim nalinlang na sa pag-ibig pero magmamahal pa rin; Paulo niloko ng babae

Kim nalinlang na sa pag-ibig pero magmamahal pa rin; Paulo niloko ng babae

Paulo Avelino, Kim Chiu at JM de Guzman

PAREHO nang nalinlang sa larangan ng pag-ibig ang Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Sumabak ang lead stars ng ABS-CBN drama series na “Linlang” sa “Yiz or Wit” (Yes or No) game kung saan natanong sila kung nalinlang o naloko na sila sa pakikipagrelasyon.

Humarap sa ilang members ng entertainment media sina Kim at Pau kahapon via Zoom sa naganap na presscon para sa teleserye version ng “Linlang.”

Tinamaan kasi ng COVID-19 ang magka-tandem sa naturang hit series na unang napanood sa Prime Video last year kaya hindi sila nakapunta sa face-to-face presscon.


“Yiz” ang sagot ni Kim sa question kung  nalinlang na siya sa pag-ibig. Paliwanag niya, “Lahat naman tayo, naloko sa pag-ibig.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin masaya sa ‘bagong pag-ibig’ ni Nadine: She deserves to be happy!

“Kasi wala nagmahal ka eh, siyempre masu-shoot ka talaga sa mundo ng kalokohan. Pero that’s part of life, part of growth.

“So embrace the pain, and learn something from that experience and then you are good to go!” sey ng Kapamilya actress at TV host.

Inamin din ni Paulo na naloko na rin siya ng babae, “Nangyari sa akin a long time ago. I was young, she was young. And marami naman akong natutunan doon and thankful naman ako na nangyari sa akin and I had to experience it.”

Sumunod namang tanong kay Kim, “After all that you’ve been through in life, would you still be ready to fall in love again?”


“Oo naman. Hindi man sa ngayon muna, pero hopefully in the next months to come. Kasi ang love naman, marami namang kayang magbigay ng love.

“And willing naman ako tumanggap. Basta, kasali sa buhay ‘yun, i-embrace nating lahat,” aniya pa.

Kamakailan lamang ay kinumpirma ni Kim na hiwalay na sila ni Xian, “It was our mutual decision to transition our relationship into what we hope to be a lifelong friendship.

Baka Bet Mo: Angelica…patron ng mga tanga sa pag-ibig, sa wakas nanalo na: ‘Prayer reveal naman diyan’

“We thank all our followers for their love and support, but now we ask you to appreciate our honesty and give us the privacy we need as we begin new chapters of our lives. To all our supporters, maraming salamat for all the love and understanding,” mensahe ni Kimmy.

Samantala, abangers na ang madlang pipol sa teleserye version ng “Linlang” na magsisimula na sa January 22 sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN after “Batang Quiapo.”

Ayon sa director ng serye na si FM Reyes, “When we presented the original script to Prime, we were asked for an hour per episode with a total of fourteen episodes. So, you can imagine roughly 60 percent of the original story hindi pa napapanood.

“While they say it’s successful in Prime, yung structure niya kasi is for one hour lang kaya hindi nila tinigilan. Now if you have a 30-minute show sa TV, iba din yung experience,” aniya pa.

Read more...