Cristy Fermin masaya sa 'bagong pag-ibig' ni Nadine: She deserves to be happy! Bandera

Cristy Fermin masaya sa ‘bagong pag-ibig’ ni Nadine: She deserves to be happy!

Therese Arceo |January 15,2022
share this

Cristy Fermin masaya sa ‘bagong pag-ibig’ ni Nadine: She deserves to be happy!

Therese Arceo January 15, 2022 - 01:31 PM

Cristy Fermin masaya sa 'bagong pag-ibig' ni Nadine: She deserves to be happy!

INIHAYAG ng kolumnistang si Cristy Fermin ang kasiyahan niya para sa aktres na si Nadine Lustre na nakatagpo ng bagong pag-ibig.

Sa kanyang online show na “Cristy Ferminute” ay napag-usapan nila ng kanyang co-host na si Romel Chika ang aktres at ang rumored dyowa nitong si Christophe Bariou.

“Masaya ako para kay Nadine. Unang-una, she deserves to be happy,” saad ni Cristy Fermin.

Aniya, kung paniniwalaan nila ang dating mga negatibong chika na patungkol sa kay Nadine at sa dati nitong karelasyon na si James ay dapat lang na makatagpo siya ng lalaking mamahalin niya at mamahalin siya nang lubos.

May mga chika raw kasi na hinahayaan at iniiwan lang ni James si Nadine sa mga kaibigan nito bagay na tiniis raw ni Nadine para sa relasyon nila ng aktor.

“It’s about time na lumigaya na si Nadine Lustre dahil mapagmahal rin siya at marunong mag-alaga ng karelasyon,” dagdag pa ni ‘Nay Cristy.

Hirit pa niya, kahit raw magkaiba ang lahi nila ng rumored boyfriend na si Christophe ay hindi ito hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Deserve rin daw ni Nadine ang lumigaya dahil sa mga naging karanasan nito habang dyowa pa nito si James.

Sey pa ng kolumnista, nagmumukha raw trying hard noon ang aktres para lang mapangalagaan ang relasyon sa dating dyowa at ngayon nga ay happy siya dahil natagpuan ng dalaga si Christophe.

Kamakailan ay Instagram official na nga ang dalawa matapos i-post ni Nadine ang kanilang cozy pictures together sa kanyang account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

“It’s about time. Nadine deserves to be happy at sana’y maligaya talaga siya ngayon,” muling saad ni ‘Nay Cristy.

Matatandaan na naging usap-usapan noong nakaraang taon ang pambabatikos ni ‘Nay Cristy kay Nadine ukol sa pananamit nito habang namamalagi sa Siargao Island.

Kahit nga ang ilang celebrities gaya ni Juan Karlos Labajo ay napa-react sa mga hindi magagandang komento ng kolumnista laban sa aktres.

Marahil ay talagang masaya lang si ‘Nay Cristy dahil sa wakas ay muling nanunumbalik ang sigla sa mata ni Nadine at talagang nagagalak siya na makitang masaya na ang aktres matapos ang naging hiwalayan nito kay James at ang iba pang kontrobersiya gaya ng gusot nito sa Viva na kinasangkutan nito sa mga nagdaang taon.

 

Related Chika:
Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending