NAGBITAW ng pangako ang OPM icon na si Chito Miranda para sa kanyang wais na misis na si Neri Naig-Miranda.
Muling ibinandera ng Parokya ni Edgar frontman ang kanyang abot-langit na pagmamahal sa pinakamamahal na asawa.
Nag-post si Chito ng nakakakilig na mensahe kay Neri sa pamamagitan ng Instagram kalakip ang litrato ng aktres at negosyante.
Nilagyan niya ito ng caption na, “Wala kang dapat ikabahala. Hinding hindi kita pababayaan. Aalagaan kita forever. Gdnyt.”
Pinusuan at ni-like naman ito nang bonggang-bongga ng mga netizens at halos lahat ay napa-sana all na lang dahil sa pagiging ideal husband ng singer-songwriter.
Baka Bet Mo: Chito manang-mana kay Neri sa pagiging wais na asawa; balak ipamana sa mga anak ang koleksyon ng baril
Napakasuwerte raw ni Neri sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Chito. Narito ang ilan sa mga komento ng mga IG users.
“Or, is it the other way around?!”
“Sana all! Sana lahat ng lalaki katulad mo!”
“Sana all may kaganyan chito.”
“Sno ba namang hindi mai-in love ng paulit ulit sayo ninang @mrsnerimiranda. apaka ganda na wais pa! Diba ninong @chitomirandajr.”
“Sa akin na mismo manggagaling.”
“Ako na mismo ang magsasabi.”
“Ang swerte swerte mo sa akin.”
“Kasi mahal na mahal talaga kita.”
Baka Bet Mo: Neri Miranda nagtayo na ng sariling production company: Manager na rin ako ngayon!
Nauna rito, pinakilig din ni Chito ang mga fans nila ni Neri sa kanyang anniversary message para sa asawa.
“Gusto ko, tuwing naiisip mo ako, feeling mo safe na safe ka.
“Gusto ko yung kapag katabi mo ako, narerelax ka at mabilis kang nakakatulog kasi feeling mo “I’m home.
“Gusto ko, yung pakiramdam mo, without a doubt, na you have nothing to worry about kasi kahit ano ang mangyari, aalagaan kita and never kitang papabayaan.
“Gusto ko, tuwing naiisip mo ko, feeling mo punung-puno ng pagmamahal ang mundo, at kalmado ang lahat kahit gaano ito kagulo.
“Gusto ko yung ramdam na ramdam mo, at alam na alam mo, that you are loved…na mahal na mahal ka ng taong mahal mo.
“Happy Anniversary, Ms. Neri!”