Paano pinaghati-hatian ng 18 anak ni Dolphy ang mga naiwang ari-arian?

Paano pinaghati-hatian ng 18 anak ni Dolphy ang mga naiwang ari-arian?

Ogie Diaz, Eric Quizon

ISA sa mga habilin ng yumaong Comedy King na si Dolphy sa lahat ng kanyang mga anak ay huwag magkagulo at mag-away-away.

Ikinuwento ng isa sa mga anak ni Mang Dolphy na si Eric Quizon kung paano nila inayos at pinaghati-hatian ang mga naiwang kayamanan ng kanilang namayapang ama.

Ayon sa aktor at direktor, maayos ang naging usapan tungkol sa mga ari-arian ng King of Comedy at ang pagdi-dustribute nito sa 18 magkakapatid.

“When my dad died, I was asked to take over so ako yung parang executor ng estate,” simulang pagbabahagi ni Eric sa panayam ni Ogie Diaz na napapanood sa YouTube channel nito.

“Ang nangyari kasi sa amin we took the extra judicial process instead of yung last will and testament.

Baka Bet Mo: Pokwang ibinenta ang mga ari-arian na may alaala ni Lee O’Brian: ‘Kasi ayoko nang may mantsa at bakas niya!’

“Sa last will and testament kasi simple lang ang sinabi ng Daddy ko, ‘I want equal sharing for everyone’. So, we thought that it would be easier to do the extra judicial since ang wishes naman ng daddy ko ay pare-pareho,” lahad pa ng actor-producer.

Aniya, naayos na raw ng tatay nila ang lahat ng kailangang asikasuhin bago pa ito pumanaw kasabay ng isang mahalahang habilin para sa 18 niyang anak.

“Noong nalaman niya na may sakit siya, ang ginawa niya na, binigyan niya na kami lahat. That’s why noong dumating yung last few months before he died may mga natira na lang na mga properties tapos yun na lang pinaghati-hatian,” pagbabahagi ni Eric.

Patuloy pa niya, “May kanya-kanyang mga ideya yang mga yan however ang pinag-aanuhan namin kasi bago mamatay ang Daddy ko sinabi sa amin, ‘ayaw kong mag-aaway kayo lahat ah.’

“So, kumbaga parang tumatak sa isip namin, niyo na, basta pag may problema ayusin mo yan, ayusin niyo yan,” sey pa ni Eric. “We manage to agree on everything that is laid upon us.”

Natanong din ni Papa O kay Eric kung may pagkakataon bang may pasaway sa kanyang mga kapatid, “Pasaway in the sense when they need something or kailangan na kailangan, nagiging pasaway sila, nagiging makulit.

“Basta kapag may kailangan, sabihan niyo lang ako kasi madali naman gawan ng paraan ‘yun, pwede naman mag-advance eh,” ani Eric.

“There are times na minsan sobra-sobra yung hingi sabi ko, ‘oh hina-hinay muna, unfair sa mga ibang heirs.’ So, naiintindihan naman nila,” esplika pa ng aktor.

Read more...