Iza Calzado ramdam pa rin ang pagbabantay sa kanya ng yumaong ama; unang baby mana raw sa lolo | Bandera

Iza Calzado ramdam pa rin ang pagbabantay sa kanya ng yumaong ama; unang baby mana raw sa lolo

Ervin Santiago |November 13,2022
facebook
share this

Iza Calzado ramdam pa rin ang pagbabantay sa kanya ng yumaong ama; unang baby mana raw sa lolo

Ervin Santiago - November 13, 2022 - 02:09 PM

Iza Calzado ramdam pa rin ang pagbabantay sa kanya ng yumaong ama; unang baby mana raw sa lolo

Iza Calzado at Lito Calzado

RAMDAM na ramdam sa ibinahaging mensahe ng Kapamilya actress na si Iza Calzado na sobrang miss na niya ang yumaong ama.

Ginunita ni Iza ang death anniversary ng kanyang tatay na si Lito Calzado nitong nagdaang November 11 sa pamamagitan ng isang open letter na ipinost niya sa Instagram.

Nag-post ang aktres ng throwback photo nila ng ama sa IG na sa pagkakatanda niya ay isa sa mga huling litrato nilang magkasama kaya itinuturing daw niya itong kayamanan.

Sabi ni Iza, ang pagkamatay ng ama niyang direktor noong November 11, 2011 ay ang araw din na nawala ang tinatawag niyang “first great love.”

Aniya pa, nararamdaman pa rin niya hanggang ngayon ang presensiya ng ama kahit mahigit isang dekada na ang nakararaan mula nang mamaalam ito.

Namatay ang tatay ni Iza nang dahil sa liver cancer, sa edad na 65.

“This is probably one of our last photos together before he got very sick and was in and out of the hospital.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)


“You always had a way of making me feel safe, protected, and loved. That’s why I know you’re still looking after me from beyond this physical realm,” sabi ng aktres.

Ibinalita rin ng Kapamilya star sa kanyang tatay ang mga kaganapan sa buhay niya bilang asawa at future mother.

“Went for a scan today for your grandchild and all is well. Baby is happy and healthy and moving so much.

“Mana sa ’yo, kick ball change ng kick ball change sa belly ko. Gives me so much joy just thinking about dancing with this baby, knowing your gift is being passed on to our child,” pahayag pa ng aktres.

Kasunod nito, inalala rin ni Iza ang kaarawan ng yumao niyang kapatid na si Juan Carlos.

“Also want to wish another angel, our baby brother, Juan Carlos, a happy birthday! He would have been 34 today. Love you, JC,” mensahe ni Iza sa kapatid.

Iza emosyonal nang mabanggit ni VP Leni ang yumaong mga magulang: Lord kayo na po ang bahala

Iza Calzado game na game gumanap na ‘totoong buntis’, pero bawal muna ang matinding drama at iyakan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iza Calzado lilipad na rin bilang Darna: Naiyak ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending