Annabelle sa bonding nina Richard, 2 anak: Haping-happy…hindi na kailangang sabihin

Annabelle sa bonding nina Richard, 2 anak: Haping-happy...hindi na kailangang sabihin

Annabelle Rama, Richard Gutierrez with Kai and Zion

TILA nagkaroon ng patutsada ang batikang aktres na si Annabelle Rama sa gitna ng napapabalitang hiwalayan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ni Richard ang groupie picture nila ng dalawang anak na sina Kai at Zion habang nasa swimming pool.

Caption ng aktor, “Post-workout swim with the boys.”

Baka Bet Mo: Annabelle Rama ibinuking kung sino ang ka-text ni Ruffa sa ‘It’s Showtime’

PHOTO: Instagram Stories/@annabelleramaig

Kasunod niyan ay nag-post din si Annabelle sa kanyang IG account na ipinapakita ang masayang bonding ng tatlo.

Giit pa niya sa caption, “Nakita [niyo] naman enjoy na enjoy mga bata with Richard.” 

“Tuwang tuwa si Zion at Kai, happing [happy]. Kitang-kita [niyo] na ‘yan, hindi ko na kailangan sabihin,” sey pa niya.

Until now, hindi pa kinukumpirma ng mag-asawa kung totoo nga ang mga kumakalat na chika tungkol sa kanilang dalawa.

Pero matatandaan na ibinunyag na ng ina ni Sarah na si Esther na co-parenting ngayon ang dalawa sa kanilang mga anak.

Kamakailan lang, sumiklab ang “dating rumors” sa pagitan ni Richard at aktres na si Barbie Imperial matapos mahuling magkasama sa sa loob ng isang sikat na bar sa Alabang.

Ngunit agad naman ‘yan pinabulaanan ng comedian-talent manager na si Ogie Diaz.

“Nagkatabi lang sila for like how many minutes daw doon sa table as per my source. Sandali lang yun [pero] pak pak pak lahat ng mga camera,” sey ni Ogie.

Ani pa niya, “May nag-video, may nag-picture, pero hindi nila alam ‘yung mga nangyayari doon na mayroong selebrasyon,” ani pa niya.

Samantala, ibinalita naman ni Sarah na lumipat na siya sa kanyang bagong bahay upang maiba naman daw ang “mood” ngayong 2024.

Read more...