Rayver kay Julie Anne: Kahit walang kaagaw, ipaglaban mo pa rin para…
NGAYONG araw na, January 15, magsisimula ang latest GMA Prime series na “Asawa Ng Asawa Ko” starring Rayver Cruz, Jasmine Curtis at Liezel Lopez.
Gaganap dito si Rayver bilang Jordan, na daranas ng nakakalokang twists and turns sa kanyang buhay dahil sa pagkakaroon ng dalawang legal wife.
Ang unang asawa ni Jordan ay si Cristy, na gagampanan ni Jasmine na kinidnap ng grupo ni Leon (Joem Bascon) at nawala ng apat ng taon.
View this post on Instagram
Inakala ni Jordan na patay na si Cristy hanggang sa makahanap ng bagong babaeng mamahalin – si Shaira (Liezel) na matagal na nilang kaibigan ni Cristy.
Ngunit isang araw nga ay biglang nagbalik si Cristy para bawiin ang kanyang asawa bilang original legal wife. Gagawin niya ang lahat para ipaglaban si Jordan, kahit pa may bago na itong asawa.
Baka Bet Mo: Alden kay Jasmine: Sabi ko, ang sarap namang makasama nito bilang partner…dream come true
Sa presscon ng “Asawa Ng Asawa Ko” ay natanong si Rayver kung sa totoong buhay kaya nangyari ang naturang plot twist, ipaglalaban ba niya ang karelasyong si Julie Anne San Jose?
“Siyempre, dapat ipaglaban ‘yan kahit wala ka namang kaagaw, ipaglaban mo pa rin para hindi makahanap ng iba,” ang diretsahang sagot ng Kapuso actor at TV host.
View this post on Instagram
Para naman kay Jasmine, ipaglalaban din niya ang kanyang boyfriend na si Jeff Ortega kapag nangyari sa totoong buhay ang kuwento ng karakter niyang si Cristy.
Baka Bet Mo: Jasmine iniintriga ang lovelife; may inamin tungkol kay Alden
“Yes, it’s always worth fighting for, especially kapag alam mong may chance pang maagaw.
“Pero wala naman akong kaagaw but I will always fight for love, and I’ll fight not just ‘yung laban niya but para sa lahat ng aspeto ng buhay ko, gagawan ko ng paraan para sa pagmamahal,” sey ni Jasmine.
Makakasama rin sa “Asawa Ng Asawa Ko” sina Martin Del Rosario, Kim De Leon, Luis Hontiveros, Patricia Coma, Bruce Roeland, Crystal Paras, Jennifer Maravilla, at Gina Alajar.
Nasa cast din sina Billie Hakenson, Quinn Carillo, at Mariz Ricketts. Mapapanood na ang world premiere nito sa Lunes, January 15, 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.