BININYAGAN na ang panganay na anak ng mag-asawang Iza Calzado at Ben Wintle na si Deia Amihan kahapon, January 13.
Kasabay ding bininyagan yesterday ang baby nina Bianca King at Ralph Wintle (kapatid ni Ben Wintle) na si Sadie Harlow.
Naganap ang “kambal” na binyagan nina Deia at Sadie sa St. Andrew the Apostle Church sa Makati na pinangunahan ni Fr. Tito Caluag.
Base sa Instagram post ng manager ni Iza na si Noel Ferrer, ilan sa mga tumayong ninang at ninong ni Deia ay sina former Vice President Leni Robredo, Cheska Iñigo, Teressa Herrera, Lyn Pinagu, Pam Quinones, Culver at Debbie Padilla, Mike Lariosa, Nix Alañon, Jetro Rafael, Candy Dizon, Katrina Holigores at Val Beggs.
Baka Bet Mo: Iza aminadong natatakot sa mga responsibilidad bilang nanay: Pero kailangan talagang maniwala ka sa sarili mo
Ang pamosong fashion designer naman na si Rajo Laurel ang gumawa ng mga baptism gown nina Deia at Sadie.
In fairness, base sa mga litratong ipinost ni Iza sa kanyang Instagram story, talagang napaka-charming at super cute ni Deia dahil halos lahat ng pictures niya ay nakabungisngis siya.
Feeling nga ng aktres, magiging showbiz din ang anak paglaki nito dahil marami marami na itong natututunang paandar na nagbibigay ng good vibes sa kanilang tahanan.
Inamin ng aktres sa isang panayam na noong nasa edad 20’s siya ay parang hindi pa siya talaga handang maging nanay unlike ngayon na masasabing stable na siya sa halos lahat ng aspeto ng buhay.
Baka Bet Mo: Bakit hindi hinihikayat ni Dimples Romana na magdala ng regalo ang godparents ni Elio?
“I had so many decisions to make then. There were so many choices to make. Sometimes, everything could be so overwhelming for me.
“I really couldn’t imagine having this child in my 20’s. That’s me. Knowing myself, how I am, how I was, I know now is the perfect time. It always works out the way it was supposed to be.
“I’m not the type who go on like I should have, would have, could have. I really believe everything happens in God’s perfect time,” ang pahayag ni Iza.
Ngayong nasa 40s na siya, naniniwala si Iza na handang-handa na siya kanyang “best role” yet, ang pagiging mommy, “Wow, ganito pala ang maging nanay. Being a mama is a world of its own.
“Kung pelikula ito, lahat ng genre pinagsama-sama sa isang pelikula. Nakakaloka. Ang sarap. It’s like getting a stamp, ‘You’re a mom.’ It’s a new chapter. It’s exciting and it really came at a perfect time,” aniya pa.