Xian nakiliti nang iyakan ni Jennylyn sa dibdib: ‘Yung patay, sinisiko ako!

Xian nakiliti nang iyakan ni Jennylyn sa dibdib: 'Yung patay, sinisiko ako!

Xian Lim at Jennylyn Mercardo

TAWA kami nang tawa sa rebelasyon ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado tungkol sa bago niyang leading man na si Xian Lim.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sina Jen at Xian sa pinakabagong primetime series ng GMA 7, ang “Love. Die. Repeat” mula sa direksyon nina Jerry Lopez-Sineneng at Irene Villamor.

Sa naganap na grand mediacon ng naturang serye, ay natanong ang dalawang Kapuso stars kung may mga fun and light moments din ba silang na-experience sa shooting.

Sa trailer pa lang kasi ng “Love. Die. Repeat.” ay sandamakmak na ang ipinalabas na intense drama scenes at iba pang mabibigat na eksena lalo na si Jennylyn na palaging umiiyak.

Baka Bet Mo: Tambalang Jennylyn-Xian kasado na: ‘Love, Die, Repeat’ coming to you bessies real soon!

“Oo, meron!” sey ni Jen sabay baling kay Xian. “Okay lang ba? Baka ma-offend ka. Ha-hahaha!” Pumayag naman ang aktor.


Pagpapatuloy ni Jennylyn, “Napanood niyo yung eksena na nasa morgue si Xian? Si Xian topless (pero nababalutan ng kumot). Tapos iiyakan ko siya. Hindi ko alam na may kiliti siya.

“Yung patay, sinisiko ako!” ang laugh nang laugh na chika ni Jennylyn sa presscon ng “Love. Die. Repeat.” nitong nagdaang January 8, 2024

Bigla namang sumingit si Xian, “Jen, sandali lang. Nahihiya ako.” Dito na nag-explain ang ex-boyfriend ni Kim Chiu tungkol sa naturang eksena kung saan kinailangan niyang pigilan ang pagtawa.

Baka Bet Mo: Tambalang Maris Racal-Anthony Jennings sa Can’t Buy Me Love laging trending

“Nakahiga lang ako. Sabi ni Direk Jerry, ‘Huwag ka muna huminga, Xian! Nakikita kita! Puwede ba tumigil ka! Kasi ang hirap ng eksena, nagmamadali na lahat,” ani Xian.

“Si Jennylyn and my mom (ginagampanan ni Shyr Valdez) are crying. Si Jen (nakahawak sa chest ko). Hirap na hirap ako kaya sinisiko ko na lang siya paalis. Yun yung little moments na may bloopers.

“Mahirap talaga siya na teleserye. It’s really a drama. Tungkol sa pinagdadaanan ng mag-asawa at pamilya,” sabi pa ng aktor.

Sey naman ni Jennylyn, “Hindi naman puwede na mabigat na nga eksena, mabigat pa yung magkakasama. Siyempre after the scene, pagpag kayo. Mamaya, eksena ulit.”

Ang “Love. Die. Repeat.” ang pagbabalik ni Jennylyn sa primetime makalipas ang mahigit dalawang taon. Matatandaang nagsimulang mag-taping si Jen para sa nasabing serye noong September, 2021.

Pero natigil ang production nang malaman ni Jen na nagdadalang-tao siya sa first baby nila ng asawang si Dennis. Nag-resume ang taping nila last year at inamin nga ng aktres na inatake siya ng kaba at takot sa pagbabalik niya sa akting.


“Para kaming nasa time loop. Pagbalik ko, yun pa rin suot ko! Siyempre dumaan ako sa dalawang taon na naging mommy ako ulit, nagpahinga ako.

“So, pagbalik ko, paano ko gagawin na ganu’n pa rin hitsura ko? Dapat yung acting ko, yung hindi ako mukhang kinakabahan. Ganu’n kahirap,” aniya.

Samantala, isang dream come true naman para kay Xian ang makatambal si Jen sa isang teleserye.

“Paulit-ulit ko sinasabi, fan po ako ni Jennylyn. Nu’ng kabataan days ko, nakikita ko yung notebook, Jennylyn Mercado.

“Nakakatuwa lang, nu’ng nakita ko siya, ‘Ito yung pinapanood ko noon. Paano ako aarte? Nakakahiya.’ Nagkakahiyaan pa kami.

“But we’re really just enjoyng the moments on set na masaya lang talaga. Behind the drama is tawanan,” sabi ng aktor.

Mapapanood na ang “Love. Die. Repeat.” simula sa January 15, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Makakasama rin dito sina Victor Anastasio, Mike Tan, Ina Feleo, Nonie Buencamino, Malou De Guzman at Shyr Valdez.

Read more...