Cedrick Juan sa MMFF 2023 Best Actor award: ‘Deserve kong manalo’

Cedrick Juan sa MMFF 2023 Best Actor award: 'Deserve kong manalo'

Cedrick Juan

NANINIWALA si Cedrick Juan na deserving siyang manalong Best Actor sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2023 para sa pelikulang “GomBurZa.”

Yan ang matapang na sabi ng aktor nang matanong tungkol sa award na natanggap sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal for his performance as Padre Jose Burgos sa “GomBurZa.”

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, inalala ni Cedrick ang mga challenges na kanyang pinagdaanan bilang artista bago niya narating ang estado niya ngayon.


Natanong ni Tito Boy ang aktor tungkol sa sinabi nito na hindi niya inaasam na maging isang “celebrity” at hindi rin daw siya nagtatanong tungkol sa talent fee kapag may tinanggap siyang project.

“Siguro nasanay na po ako sa theater. And alam namin na hindi kami kikita rito pero sige, for the art and for all the learnings and their presentations,” sagot ni Cedrick.

Baka Bet Mo: Cedrick Juan super cry nang manalong best actor sa MMFF 2023; may panawagan

Inamin din ng binata na marami ring pinagdaanang hamon sa buhay ang kanilang pamilya bago sila nakaahon sa kahirapan, “Rugs to riches po talaga. Pinagtrabahuhan.”

Samantala, totoo rin daw na hindi sang-ayon ang mga magulang sa kanyang pag-aartista.

“Before Tito, when I started pursuing this, mahirap po talaga, as in nakakaaway ko sina mama at papa, bakit ko ito ginagawa.

“They are asking me nga na, ‘You finished a four year course, sana humanap ka ng day job.’ Sa Pilipinas, parang extracurricular ‘yung pag-pursue ng arts, eh,” sey ni Cedrick.


Tungkol naman sa style niya sa acting, “I don’t memorize first. Gusto ko munang maintindihan ‘yung konteksto ng character, so babasahin ko muna multiple times.

Baka Bet Mo: Michelle Yeoh tinawag na ‘my hero’ ni Sharon matapos manalong best actress sa Oscars: ‘Yes, never allow anyone to tell us we are past our prime’

“Nandoon na rin ‘yung repetition na ‘yon so that I would understand the context of each line,” lahad ni Cedrick.

At kasunod nga nito, nabanggit ni Cedrick na deserve niya ang manalong best actor sa MMFF 2023.

“Deserve kong manalo dahil alam kong pinagpaguran ko siya ng 10 taon, at alam ko na gusto kong gamitin ang platform na ito para mag-inspire at makatulong sa nation-building,” aniya pa.

Tinalo ni Cedrick ang mga nakalaban niya sa pagka-best actor sa MMFF kabilang na sina Piolo Pascual, Dingdong Dantes at Alden Richards.

Read more...