Daniel Padilla in-unfollow na rin ng BFFs ni Kathryn na sina Trina at Arisse

Daniel Padilla in-unfollow na rin ng BFFs ni Kathryn na sina Trina at Arisse

MUKHANG wala na talagang aasahang come back ang madlang pipol dahil maging ang mga bestfriends ni Kathryn Bernardo na sina Trina Guytingco at Arisse de Santos ay in-unfollow na rin si Daniel Padilla sa Instagram.

Kahapon, January 10, nang mapabalita na tuluyan nang in-unfollow ni Kathryn ang kanyang ex-boyfriend matapos ang kanyang kumpirmasyon na hiwalay na sila noong November 30, 2023.

At ngayon nga ay maging sina Arisse at Trina ay makikitang hindi na naka-follow kay Daniel.

Marami nga sa mga netizens ang nag-react at tila nagsasabing ito na ang sign na wala na talagang pg-asang muli pang magkabalikan o magkaroon ng isa pang pagkakataon na manumbalik ang KathNiel.

Mukha ring pinanindigan ni Kathryn ang kanyang IG post na “no looking back, only moving forward” dahil unti-unti na nitong inaalis sa sistema niya ang dating kasintahang si Daniel.

Kahit nga sa nagdaang kasal ng kaibigan nilang sina Robi Domingo at Maiqui Pineda ay makikitang kahit na nagiging malapit sa kanya ang aktor ay nagiging civil lang ito pero firm siya na wala nang balikan pang magaganap.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Mommy Min ‘spotted’ na nagyakapan sa backstage, fans natuwa

Base sa statement na inilabas ni Kathryn ukol sa break-up nila ni Daniel, maayos naman ang naging hiwalayan nila at nagtapos ang kanilang relasyon na may respeto sa isa’t isa.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa nga KathNiel fans ang ginawang pag-unfollow nina Trina at Arisse sa Kapamilya actor.

“Siyempre. To help her move on. Hindi pwedeng siya lang no. Baka nga pati close friend niya at mga common friends nila, nag unfollow na din,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ok. So, I guess its time for me to move on. Bye, Daniel. Bye KathNiel.”

“Si Trina at Arisse na ang gumalaw ng baso, kaya s t f u na ako. Yun lang talaga hinihintay ko. I have nothing more left to say,” sey pa ng isa.

Read more...