Yasmien Kurdi nag-react sa viral ‘P299 engagement ring’ post: ‘Medyo OA!’
NAGBIGAY ng opinyon ang aktres na si Yasmien Kurdi kaugnay sa pagbibigay ng murang engagement ring.
Para sa kanya, hindi dapat gawing malaking isyu ang halaga ng isang materyal na bagay.
Naikuwento pa ng aktres sa isang Facebook post na wala siyang engagement ring at ang ginastos lang nila sa kasal ay P20,000.
“P299 na ring issue… medyo OA,” sey ni Yasmien.
Chika niya, “Ako nga wala naman akong engagement ring, tapos wedding rings namin di naman nasusuot kasi di kami sanay. Kasal namin 20K lang (2012).”
Baka Bet Mo: Ate girl hindi happy sa P299 engagement ring: Ganito ba kababa ang halaga ko?
Kasunod niyan ay nagpayo ang aktres na mas mahalagang ilaan ang pera sa investments kagaya ng bahay at lupa, sa halip na mga materyal na bagay.
“In my opinion, i-invest niyo nalang pera niyo sa lupa at bahay. Para di kayo mamulubi sa renta at di puro porma,” sambit niya sa publiko.
Paliwanag pa niya, “Laking tipid ng hindi nagrerenta ng bahay. Ang material na bagay nadadala lang yan.”
Ipinunto rin ni Yasmien na nagkakaroon naman ng halaga ang materyal na bagay depende sa taong nagbigay o nagdadala nito.
“Minsan nagmumukhang mahal kapag proud mo siya suotin. Minsan naman ang mahal ng suot ng isang tao, pero di naman mukhang mahal. Di ko din alam kung bakit,” ani niya sa FB.
Kamakailan lang, nag-viral ang Facebook post ng isang anonymous sender matapos ihayag ang pagkadismaya sa kanyang partner matapos siyang bigyan ng engagement ring na nagkakahalagang P299.
Ang rason niya, walong taon silang magkarelasyon at bakit hindi man lang daw pinag-ipunan ng guy ang singsing.
Ginawa pa niyang batayan ang halaga ng pagmamahal ni guy sa kanya sa isang singsing.
Dahil sa nasabing post, maraming netizens, influencers at ilang celebrities ang nagbigay ng kanilang reaksyon at opinyon tungkol diyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.