Pops excited nang makarga ang unang apo kay Robin: I’m sure iiyak ako
SUPER excited na ang Original Concert Queen na si Pops Fernandez na makita at makarga ang kanyang kauna-unahang apo.
Hanggang ngayon ay hindi pa nasisilayan ni Pops ang apo nila ni Martin Nievera kay Robin Nievera na si Baby Phineas Atlas o Baby Phin.
Looking forward na raw si Pipay na mabisita sa Amerika ang kanyang first apo. Tatapusin lang daw muna niya ang lahat ng projects at commitments niya rito sa Pilipinas bago siya lumipad pa-US.
View this post on Instagram
Kabilang na nga riyan ang kanyang 40th plus anniversary concert, ang “Always Loved” na gaganapin sa The Theater at Solaire sa February 9 at 10, 2024.
Nakachikahan ng members ng entertainment media si Pops sa naganap na presscon ng “Always Loved” sa Mesa Restaurant last Monday, January 8, at dito nga kinumusta ang kanyang pagiging lola.
Baka Bet Mo: Mark umaming ‘love’ pa rin si Claudine, bet uling manligaw: Hindi pa naman huli ang lahat…
Aminado ang singer-actress at concert producer na nagiging very emotional siya kapag napag-uusapan ang apo. Until now daw hindi pa rin siya makapaniwalang may anak na ang panganay niyang si Robin.
“Ngayon pa lang, excited na ako. But I’m sure pag nakita ko na, nahawakan ko na, na-carry ko na, naamuy-amoy ko na, it’s a totally different feeling. I’m sure iiyak ako, kasi iyakin ako e,” chika ni Pipay.
“Actually, pinag-uusapan pa lang, naiiyak na ako. Hindi pa kasi ako makapaniwala na siyempre, si Kuya may baby na. Yun, e. Iyon yung una kong ikinaiiyak,” aniya pa na ang gustong itawag sa kanya ng ni Baby Phin ay, “Lolli Pops!”
“Para kumalat na yan sa buong Pilipinas. Actually, ngayon pa lang ang dami nang tumatawag sa akin na Lolli. So, na-appreciate ko naman.
View this post on Instagram
“Hindi ko pa alam. Pero a lot of my friends who already have their own grandchildren, ang sabi nila, iba yung feeling. So, sobra akong excited. Pero, I promise you, hot lolli pa rin ako,” pahayag pa ng OG Concert Queen.
Baka Bet Mo: Pops bukas pa rin sa bagong pag-ibig; may ibinuking tungkol kay Martin
Samantala, paglalarawan naman ni Pops sa kanyang comeback concert na “Always Loved”, “It is a 40-plus years celebration. So it is an anniversary celebration.
“t is a celebration, because I have not done a show. So, in that aspect, magsi-celebrate ako. It is also a pre-Valentine. So it’s another celebration.
“At the end of the day, gusto ko nag-e-enjoy lang yung audience ko. Ito yung two nights na pagpasok mo, let’s just have fun. Bawal mag-isip.
“Para kang nanood ng pelikula for one and half or two hours. Mag-e-enjoy kayo. Makaka-relate kayo sa mga kakantahin ko,” ang promise pa niya sa mga manonood ng concert.
Maraming surprise guests si Pipay sa concert pero ang nabanggit pa lang niya ay ang kanyang ex-husband na si Martin Nievera at si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Natanong din si Pops kung kakantahin niya sa concert ang hit classic niyang “Little Star”. Perfect daw kasi ito para sa apo niyang si Baby Phin.
“’Little Star’ reminds me of my early beginnings. So, hirap na hirap ako parati. Yes, gagawin ko yan sa concert ko, because they are part of my 40 years, at yan yung mga meaningful songs sa akin.
“Pero tama naman. Na-realize ko rin, ang bagong little star ko na ngayon ay si Baby Phin. So, papano yan lalo naman akong iiyak. Yes. Now that song has a totally different meaning for me.
“I’m sure si Robin…Robin is a good musician. I’m sure magkakaroon na rin siya ng song for Baby Phin na magiging original. So, abangan po natin yan,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.