Kiray, Stephan sumugod sa Traslacion: Walang imposible! Viva, Nazareno!

Kiray, Stephan sumugod sa Traslacion: Walang imposible! Viva, Nazareno!

Kiray Celis at Stephan Estopia

KABILANG ang komedyanang si Kiray Celis sa ilang celebrities na nakilahok sa katatapos lang na Traslacion na umabot sa halos 15 oras.

Nakasama ni Kiray sa pagsama sa Pista ng Itim Na Nazareno ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia na ginanap kahapon, January 9, 2024.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kiray ng mga litrato nila ni Stephan na nakasuot ng hooded shirts na may image ng Black Nazarene sa harap habang mababasa naman ang apelyidong “Estopia” sa likod.

Nabanggit din ng Kapuso actress at social media influencer sa kanyang Instagram Stories, na um-attend din sila sa Holy Mass na isinagawa sa Quiapo Church o Minor Basilica of the Black Nazarene.

Baka Bet Mo: Andas ng Itim na Nazareno bawal akyatin ng deboto –Quiapo church

Sa kanyang caption, pinapurihan ni Kiray ang kanyang karelasyon at nagpapasalamat siya sa Diyos sa pagdating ni Stephan sa kanyang buhay.


“’Find someone who is willing to learn, hustle, pray and grow with you.’ At nahanap ko na nga!” ang bahagi ng mensahe ni Kiray para kay Stephan.

Baka Bet Mo: Bakit imposible nang magkaroon ng reunion concert ang APO Hiking Society?

“Kapag parehas talaga kayong nangangarap, sabay na nagdadasal at parehas na nagtutulungan.. walang imposible! Viva, Poong Jesus Nazareno!” aniya pa.

Makalipas ang tatlong taon mula noong 2020, muling isinagawa ang Traslacion ngayong 2024 na nagsimula sa Quirino Grandstand sa Maynila eksaktong 4:45 a.m.. at nakabalik at natapos sa Quiapo Church ng 7:44 p.m..

Kabilang sa mga celebrities na nakilahok sa Pista ng Itim Na Nazareno ay ang “Batang Quiapo” lead star na si Coco Martin at co-actor niyang si McCoy de Leon.

Read more...