Bakit imposible nang magkaroon ng reunion concert ang APO Hiking Society? | Bandera

Bakit imposible nang magkaroon ng reunion concert ang APO Hiking Society?

Ervin Santiago - October 26, 2022 - 08:01 AM

Bakit imposible nang magkaroon ng reunion concert ang APO Hiking Society?

Boboy Garrovillo, Jim Paredes at Danny Javier (Photo from Apo Hiking Society FB page)

MUKHANG imposible na ngang magkaroon ng reunion concert ang award-winning at iconic OPM trio na APO Hiking Society.

Ito’y base na rin sa naging pahayag ng isa sa mga miyembro nito na si Boboy Garrovillo tungkol sa kalagayan ng isa nilang kasamahan sa grupo na si Danny Javier.

Hindi pa naman nagsasalita nang patapos si Boboy pero sa ngayon daw ay hindi talaga posible ang muling pagsasama-sama nilang tatlo sa isang stage para mag-show uli.

Base sa social media post ng isa pang kilalang veteran singer na si Richard Merk, kumpirmado ngang hindi maganda ang health condition ngayon ni Danny.

Sa katunayan, ilang araw nang humihingi ng taimtim na dadal si Richard Merk para sa paggaling ni Danny Javier.

“Dear God, please heal a very dear friend of mine APO Danny Javier. Please embrace him with your love and protection. Get well Danny,” ang bahagi ng Facebook post ni Richard.

Sa pagkakaalam namin, nabuwag ang APO noong December, 2009 nang magkanya-kanya na ng career sina Jim Paredes, Boboy Garrovillo at Danny Javier.

Ilan sa pinasikat nilang kanta ay ang “Ewan,” “Batang-Bata Ka Pa,” “Awit ng Barkada,” “When I Met You,” “Bawat Bata,” at marami pang iba.

Sa tatlong miyembro ng grupo, tanging si Boboy na lamang ang aktibo sa showbiz at hindi nawawalan ng proyekto sa GMA 7.

Sa katunayan, ka-join siya sa cast ng pinakabagong Kapuso afternoon teleserye na “Unica Hija” na pinagbibidahan nina Kate Valdez at Kelvin Miranda. Mapapanood na ito simula sa November 7.

Kahapon, sa virtual mediacon ng naturang programa ay nausisa si Boboy kung posible pa bang magkaroon ng reunion concert ang APO.

Sagot ni Boboy, “Si Jim is in Australia, but a lot of times, he’s also here in Manila. Still doing his writing songs and all.

“Danny is not well. He’s medyo may kahinaan, may karamdaman, so he is recovering,” aniya.

“Pero yung reunion, mukhang malabo yun because hindi na possible,” ang pahayag ni Boboy.

Ngunit kahit hindi na aktibo ang APO, hindi pa rin naman tuluyang kinakalimutan nina Boboy at Jim ang pagkanta.

Ani Boboy, “In fact, minsan, kami ni Jim, we accept invitations, mga private invitation, parties. Dumadayo naman kami.

“Kaya tuwang-tuwa ako sa mga teleserye kasi kapag nagdadala ako ng gitara, nakikipag-jam sa akin ang mga kabataan na kasama ko sa cast. Nag-e-enjoy lahat kami,” aniya pa.

Jim Paredes pinatunayang malakas pa rin sa edad 70: We must know how to live and how to die…

Jim Paredes ‘hinoldap’ daw sa gasolinahan: I think I was in shock…my money was gone!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian may nakakalokang hugot sa oil price hike: ‘Ayoko na…pag nagmamahal ako, ang daming taong nagagalit’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending