Andrea, Xyriel bet sumabak sa lesbian project, hindi uurungan ang halikan

Andrea, Xyriel game sumabak sa lesbian series, hindi uurungan ang halikan

Xyriel Manabat at Andrea Brillantes

WALANG kaarte-arteng inamin ng Kapamilya youngstar na si Xyriel Manabat na super game siyang makipaghalikan sa kapwa babae.

Diretsahang sinagot ng dalaga ang tanong ng press kahapon sa finale mediacon ng hit series na “Senior High” kung payag ba siyang bumida sa isang GL (Girls’ Love) project.

Ito’y matapos ngang bumenta sa mga manonood ang gay love story ng mga karakter nina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez sa naturang Kapamilya serye.

Ayon kay Xyriel, bet din niyang makagawa ng lesbian series at walang problema sa kanya ang pagsabak sa mga intimate na eksena at kissing scene with another girl.


“Feel ko, kung tatanungin ako, sa on-screen kissing scene, gusto ko talaga sa babae. Kasi, feeling ko, mas komportable ako ‘pag ganoon,” ang chika ni Xyriel.

“Feeling ko, mas walang ilangan, less issue, less hassle,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat sa mga malilisyosong netizens: ‘Binabastos po nila ako, sinasabi nila kamanyak-manyak daw…’

Sino naman sa mga kasabayan niyang female stars ang gusto niyang makatambal sakaling may mag-offer sa kanya ng isang GL project?

Ang sagot ng aktres – ang lead star ng “Senior High” at BFF niyang si Andrea Brillantes. In fact, napag-uusapan daw nila ng kanyang kaibigan ang tungkol dito.

Binibiro nga raw ni Xyriel si Andrea kapag nasa taping sila, “Kinakantahan ko siya, tinitigan ko siya sa mata. Kinikilig naman siya sa akin. Ha-hahaha!”

Ibinuking din ni Xyriel na type rin daw ni Andrea na subukan ang GL series o movie. Tawa naman nang tawa si Andrea nang usisain kung ano ang reaksyon niya sa mga rebelasyon ni Xyriel.

“Pansin ko lang po kasi now, there’s a lot of BL series, pero hindi pa po masyadong madami sa GL.


“If ever lang naman po, I would be comfortable doing that scene with my best friend. And si Xyriel, magaling siyang actress, e. Marami po kaming makukuha sa isa’t isa,” aniya.

Samantala, sa huling dalawang linggo ng “Senior High”, mabubulgar na ang lahat ng mga sikreto – kabilang na ang rebelasyon kung sino talaga ang killer aa kuwento.

In fairness, tumabo na sa 2 bilyong views sa TikTok ang inaabangang paglabas ng katotohanan sa pagpatay kay Luna (Andrea) sa inaabangang “The Ender to Remember” finale ng “Senior High”.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat game na game nang sumabak sa pagpapa-sexy sa serye at pelikula, pero may kundisyon…ano kaya yun?

Pagkatapos ng matinding imbestigasyon, malalaman na rin sa wakas ni Sky (Andrea) mula kay Obet (Kyle Echarri) kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kambal niyang si Luna.

Iigting naman lalo ang mga puso para makuha ang pagmamahal ni Sky dahil pag-aagawan siya nina Obet at Gino (Juan Karlos), ang dating mga nobyo ni Luna.

Pero hindi lang sila ang magpapakilig sa viewers dahil itutuloy ni Archie (Elijah Canlas) ang panliligaw niya kay Roxy (Xyriel Manabat), habang may posibilidad ding magkabalikan sina Tim at Poch (Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez).

Dapat din abangan ng mga manonood ang sunod-sunod na pasabog sa serye dahil tuluyan nang magwawala si Z (Daniela Stranner) sa Northford prom night dahil sa mga bangungot niya kay Luna.

Maglalabasan na rin ang lahat ng mga baho nina Harry at William (Baron Geisler at Mon Confiado) na maaaring magdulot ng mas malaking sigalot sa pagitan ng kani-kanilang mga pamilya.

Patuloy na kinakapitan ng mga manonood ang mas tumitinding mga rebelasyon sa “Senior High” matapos makakuha ng all-time high na 179,305 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Enero 3 na episode.

Huwag palampasin ang “ender to remember” finale ng “Senior High” sa January 19, 9:30 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Read more...