Vivamax star Christine Bermas tumigil sa showbiz dahil sa mental health

Vivamax star Christine Bermas tumigil sa showbiz dahil sa mental health

Micaella Raz at Christine Bermas

PAGPASOK pa lang ng 2024, kakabog agad ang dibdib n’yo sa sexy psycho-thriller na handog ng Vivamax – ang “Bedspacer” starring Christine Bermas and Micaella Raz.

Iikot ang kuwento nito kay Janice na tinatakasan ang isang iskandalo pero mapapasok sa mas matinding kapahamakan.

Tahimik at may pagkamahiyain si Janice, pero nagkarelasyon sa kanyang teacher. Nag-viral pa ang video nila kung saan nagkaroon ng kumprontasyon. Dahil sa kahihiyan, lumipat si Janice ng paaralan.

Gusto niya lang na mapag-isa sa bagong eskwela, pero napansin siya ng campus heartthrob na si Ryan (JD Aguas).

Sinama niya ito sa kanyang mga kaibigan, pero naungkat ang kanyang viral video. Hiyang-hiya muli si Janice, pero may magtatanggol sa kanya – si Lexi (Micaella Raz).

Baka Bet Mo: Maxene tinawag na astig, totoong tao si Charlie; Lexi super happy sa piling ni Gil

Naging mag-roommate sina Janice at Lexi. Malakas ang personalidad ni Lexi, ibang-iba kay Janice, kaya naman iniidolo niya ito.


Sa paghikayat ni Lexi, binago ni Janice ang kanyang pananamit at paggalaw. Kay Lexi rin siya natutong pumarty, gumamit ng droga at sumasama sa kahit sinong lalaki.

Baka Bet Mo: Palabang sexy star na si Stephanie Raz puring-puri si Vince Rillon sa mga ginawa nilang sex scenes

Umikot ang mundo ni Janice kay Lexi hanggang na-obsess siya dito at ginaya niya ang itsura nito.

Samantala, may atraso si Lexi sa ex-boyfriend niya na nagbebenta ng droga. Sa panganib na dala ng kanyang ugnayan kay Lexi, maibabalik pa ba ni Janice ang kanyang sarili at mabuhay nang malaya?

Sa direksyon ni Carlo Obispo, kasama rin sa movie sina Matthew Francisco, Aria Bench, at Aila Cruz sa  “Bedspacer”. Mapapanood na ito ngayon sa Vivamax.

Samantala, speaking of Christine Bermas, inamin niyang nakaranas siya ng mental health problems nitong nagdaang 2023 dahil sa iba’t ibang isyu niya sa buhay.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit dalawang pelikula lang ang nagawa niya last year. Mas inuna raw kasi muna niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang sarili kesa sa trabaho at career.

At in fairness, maligaya raw siya ngayon sa piling ng boyfriend niyang Italian-Canadian model at hunk actor na si Nico Locco.

Read more...