BONGGA ang bagong drag club na pag-aari ng actor-businessman na si RS Francisco kung saan kasosyo niya ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño.
Ang tinutukoy namin ay ang RAMPA kung saan co-owners din sina Loui Gene Cabel, Cecille Bravo at ang mga drag queens na sina Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe at Brigiding na kilala rin bilang Divine Divas.
Sa naganap na presscon para sa nalalapit na launching ng RAMPA, ay napag-usapan ang tungkol sa kontrobersiyal na drag queen na si Pura Luka Vega.
Isa si Pura Luka sa mga celebrities na pumasok sa top list ng mga nangyaring iskandalo sa mundo ng entertainment, pati na rin sa national news dahil sa panggagaya niya kay Jesus Christ (Nazareno) habang kinakanta ang remix ng “Ama Namin” sa isang night club.
Kinondena si Pura Luka Vega ng ilang public official at church leaders dahil sa pambabastos daw niya kay Hesukristo. Bukod dito, idineklara rin siyang persona non grata sa 17 lugar.
Baka Bet Mo: Ex Battalion ka-level ng BTS dahil sa mahal ang concert tickets
Inaresto si Pura at nakulong dahil sa patung-patong na kasong isinampa laban sa kanya pero nakalaya rin siya matapos magpiyansa.
Kaya naman sa tanong kung welcome ba si Pura Luka Vega sa drag club na RAMPA na magso-soft opening na sa January 17, may sagot diyan si RS Francisco.
“Alam mo, okay ako kami sa lahat. Walang masamang tinapay para sa akin. Ganu’n naman iyan, alam n’yo naman iyan lalo na sa mga press friends ko, walang masamang tinapay sa akin.
“Go! Basta you know kung ikabubuti, ikaso-showcase ng talent niya, ipapakita and all that, go!” aniya pa.
Keribels din bang gawin ni Pura Luka ang controversial Nazareno at “Ama Namin” act niya sa kanilang drag club?
“I don’t think gagawin pa niya yan, e. Kung ako ang tinatanong mo… you know, kasi wala po ako du’n, e. Wala po ako du’n and marami rin kasi talagang cameras ngayon, maraming nagka-capture and all.
Baka Bet Mo: Pura Luka Vega idineklarang persona non grata sa Maynila
“Isasalungat ko lang nang konti, ililihis ko lang nang konti. Parang yung mga play po namin sa UP. Meron po akong play sa UP called LIVE AIDS. Na pinapanood po yan ng mga executives from ABS-CBN, from GMA, pinapanood po yan.
“And pasalamat po, wala pang camera nang mga panahong yun. Kasi, ang dami naming pinag-uusapan na mga ganu’n-ganu’n.
“Usap kami about this, about this politician, about this ganito, about this model, about this artista, and all. And baka na-taken out of context. Hindi ko po alam kasi wala po ako du’n. At nakita ko lang, three seconds kay Pura Luka Vega.
“So, wala po ako sa posisyon na mag-comment about that. Yung ginawa niya and all, if that’s his art, kasi, yun yata yung pinu-push niya, e, even up to now, e.
“It’s his art. If that’s his art, wala po akong magagawa. I respect everyone’s expression of Art.
“But if let’s say, ang government, ang ibang tao, hindi matutuwa, well, that’s their ano na. Kumbaga sa akin, respeto lang sa akin kung ano ang art nila.
“Okay sa akin. Kaya nga hindi ako puwedeng maging politician. Hindi talaga,” litanya pang pahayag ni RS.