Ex Battalion ka-level ng BTS dahil sa mahal ang concert tickets
HALOS lahat ng dumalong press sa virtual mediacon ng Ex Battalion kaninang tanghali para sa nalalapit nilang “EVOLUXION: An Ex Battalion Online Concert” na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa December 11 ay nagulat dahil ang mahal ng tickets para sa mga gustong makilala at makasama ang grupo pagkatapos ng online show.
Ayon sa producers’ ng show na sina RS Francisco at Sam Versoza ay recorded ang show na ang halaga ay P300 na ma-access ang online tickets via KTX.ph.
Pero ang ibang presyo ay ang mga sumusunod:
TROOP 2: EXCLUSIVE EXPERIENCE – 500.00PHP
Access to online concert plus EXB Greetings via Zoom.
A separate zoom link will be sent by the producers.
TROOP 3: EXCITING EXPOSE – 750.00PHP
Access to online concert plus EXB Greetings via Zoom, and EXB “Inside Kwento” via zoom.
A separate zoom link will be sent by the producers.
TROOP 4: EXTRAORDINARY EXHIBITION – 1,250.00PHP
Access to online concert, plus Printed Ticket, EXB Greetings via Zoom, and EXB “Inside Kwento” via zoom. Printed tickets shall be claimed at the Frontrow head office; separate zoom link will be sent by the producers.
TROOP 5: EXTREMELY EXPLOSIVE – 2,000.00 PHP
Access to online concert, plus Printed Ticket, EXB Greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, and a signed EXB poster. S
TROOP 6: EXTENDED EXCITEMENT – 20,000.00 PHP
Access to online concert, plus Printed Ticket, EXB Greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster.
With EXB Mask and Shirt, RS Mask and Shirt, SV shirt and jacket, and an exclusive dinner with the EXB.
TROOP 7: ATIN ANG GABI – 35,000.00 PHP
Bakit nga ba ganito kamahal ang iba at sa panahin ng pandemya ay ma-afford ba ito?
“I was the one who actually open the idea of having a VV VIP tickets. Of course, as we know these boys have millions of fans and kunwari ako fan nila, baka mabitin ako sa concert lang,” bungad paliwanag ni RS.
Dagdag pa, “Sometimes may ganu’n, e, baka mabitin ka kaya naghahanap ka pa ng zoom kung saan sila magha-hi and hello. May ibang sa sobrang fan nila, bitin pa rin ‘yung ‘hi and hello’ gusto nilang makarinig ng kuwento.
Access to online concert, plus Printed Ticket, EXB Greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster. With EXB Mask and Shirt, RS Mask and Shirt, SV shirt and jacket. An exclusive dinner with the EXB and an exclusive access to the Listening Party (inclusive of cocktails) featuring never-before-heard (Unreleased) Ex B tracks.
View this post on Instagram
“Marami talaga akong fans na pini-PM ako sa Facebook na kumusta si ganito, si ganyan. As in marami silang gustong malaman about these boys.
“Kaya (naisip ko), t’eka gawa kaya tayo ng VV-VIP Tickets na kung saan they will get to know these boys na they can have dinner with them.’
“Ito talaga literal. I’ve scheduled a dinner not just in any restaurant, a dinner in Manila Hotel plated dinner where in they can meet and greet and literally have photos with them, chat with them, get to know them, ask them questions live face to face and especially the ‘Atin ang Gabi’ package.
“Wherein after that dinner magkakaroon ng after party with full force Ex Battalion, magkakaroon sila ng listening session, party session. These boys marami silang unreleased songs pa di pa lumalabas. Lalabas pa sa 2022 pero dahil kinuha ‘yung Atin ang Gabi package maririnig nila for the first time, sila ang unang makakarinig ng mga songs na ‘yun. Sakai to jamming talaga as in hindi ‘yung literal na nakaupo lang sila.”
Bagama’t abot sa 500 capacity ang Centennial ball room ng Manila Hotel ay hindi itinodo nina RS at Sam ang makakadalo sa ‘Atin ang Gabi’ package dahil na rin sa health protocols na ipinatutupad ng IATF.
“The ballroom can accommodate 500, pero dahil may percent (limit), so we’re just getting 20% capacity kaya 100 pax lang allowed doon,” say ni RS.
Sa December 15 mangyayari ang mga fan na kumuha ng VV VIP tickets kaya pagkatapos nilang mapanood ang idolo nila ng December 11 ay makakasama naman nila ng personal pagkalipas ng apat na araw.
Sa kasalukuyan ay nasa 20% na ang benta ng tickets ng Atin ang Gabi package at optimistic ang grupo na mabebenta nila ang natitirang 80%.
Sa sobrang mahal ng tickets ng Ex Battalion ay natanong ang producers’ ng concert n aka-level na ng grupo ang BTS Boyband ng South Korea bagay na hindi naman ito itinanggi ni RS.
“Yes, pero hindi sila K-Pop, very far from K-Pop. Hindi sila ang K-Pop (ng Pilipinas) pero ang equivalent nila ay hip-hop stars na parang BTS na rin ang datingan,” pahayag nito.
Samantala, sulit naman daw ang mga manonood ng EVOLUXION: An Ex Battalion Online Concert dahil aabutin ito ng tatlong oras at bongga ang bawa’t production numbers na mismong grupo ang may ideya.
Binigyan ng kakaibang areglo ng musical director na si Raul Mitra ang mga awitin ng Ex Battalion na ginawang pop kaya isa ito sa sorpresa nila sa fans.
Related Chika:
Beks Battalion napasabak sa dramahan sa ‘Manananggal’ ni Darryl Yap: Ginawa niya kaming aktor!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.