HINDI diretsahang sinagot ng Kapuso actor na si Xian Lim ang tanong kung posible pa bang magkaroon sila ng “second chance” ni Kim Chiu.
Halatang umiiwas ang binata na pag-usapan ang tungkol sa breakup nila ng kanyang ex-girlfriend pero marespeto pa rin niyang sinagot ang mga katanungan ng press na may kaugnayan dito.
Kahapon, January 8, humarap si Xian sa members ng entertainment press para sa bago niyang primetime series sa GMA, ang “Love. Die. Repeat” kung saan makakatambal niya si Jennylyn Mercado for the first time.
Pagkatapos ng question and answer portion, nilapitan agad ng ilang members ng media sina Xian at Jen at dito nga naitanong sa aktor kung may posibilidad ba na magkaroon ng “repeat” ang namatay ng love sa isang dating karelasyon.
Sagot ni Xian, “I think, in life, everything happens for a reason. Yun lang naman po yun. Hindi man umulit o umulit man, everything’s gonna happen for a reason.”
Sumingit naman si Jennylyn at inihalimbawa ang nangyari sa kanila ng kanyang asawang si Dennis Trillo na nabigyan ng ikalawang pagkakataon in terms of love.
“Kami ni Dennis, di ba, ganu’n? Nanalo ang pagmamahal,” sabi ni Jennylyn.
Kasunod nito, inulit ang tanong kay Xian kung bukas ba ang isip at puso niya na magmahal uli sa dating nakarelasyon.
Baka Bet Mo: Heart sinisi ang sarili matapos ‘maligaw’; tinawag na ‘guardian angel’ si Chiz: ‘I hated you for the wrong reasons’
“Lahat nga po na mga pangyayari sa buhay, e, it happens for a reason. So, we just have to move forward kung ano man po yun.
“Dapat naman talaga okay. We just got to work. People working.
“Yun naman yung gusto natin, work on yourself and just keep on doing different things, doing different projects, keeping busy,” pahayag ng Kapuso actor at director.
Sa mga sumunod na tanong kay Xian na may konek pa rin kay Kim, walang diretsahang tugon ang binata.
Aniya, “Katulad nga po ng paulit-ulit ko pong sinasabi, lahat naman po ng bagay sa buhay natin nangyayari for a reason.
“Hindi man natin alam kung ano yung rason na yun, ngayon, yun po, all we have to do is to move forward for whatever it is,” sabi ni Xian.
At sa question kung nasa proseso na siya ng pagmu-move on sa breakup nila ng dating girlfriend, “Kailangan lang po talaga nating maging masaya muna. Unahin muna natin yun.”
Samantala, very proud na ibinandera nina Xian at Jennylyn ang bago nilang project sa GMA na “Love. Die. Repeat.” kung saan talaga namang napalaban sila super intense na mga drama scenes.
Inamin ni Jen na inakala niya noon na papalitan na siya ng GMA bilang leading lady ni Xian sa serye dahil nga sa kanyang pagbubuntis. Tatlong taong natigil ang taping ng serye.
Baka Bet Mo: Xian alam ang mga hinanakit at sama ng loob ni Kim; umaming kinakabahang makatambal si Jennylyn
“Nagpapasalamat ako na hinintay ako ng GMA. Hinintay ako ni Xi. Siyempre, puwede naman po akong palitan, di ba? Ilang araw pa lang naman yung na-shoot namin.
“Kinabahan ako kasi baka hindi na ibigay sa akin, ang ganda pa naman nung project. Tapos, first time ko makakasama si Xi. So, thankful ako na binigay pa rin nila sa akin,” pahayag ni Jen.
Pero para naman kay Xian, “Parang ako yung natakot na baka ako’y papalitan. Totoo naman po na ako’y natatakot na baka ako yung papalitan ni Miss Jennylyn.
“Kasi while waiting naman po, Jennylyn gave us a date naman when she’ll be back. So, I got naman po different projects while Jennylyn was resting and taking care of a baby.
“Uulit-ulitin ko yun na laking utang na loob ko yun. Kasi nung in-offer naman sa akin yung Love. Die. Repeat, wala pa po akong nagagawa sa kanila. Yung nakikita pa lang po yung nagawa ko sa other station.
“And I always say I’m grateful and, of course, kay Jennylyn, kasi siyempre i-approve pa niya kung sino ba ang makakatrabaho. ‘Si Xian? Hmmm, sige puwede na rin!'” natatawang sey ng aktor.
“Ba’t ako!” ang nabigla namang sabi ni Jennylyn na umaming grabe ang ibinigay niyang effort at paghahanda sa “Love. Die. Repeat.”
Ka-join din sa cast ng serye sina Mike Tan, Ina Feleo, Valeen Montenegro, Valerie Concepcion, Ervic Vijandre, Faye Lorenzo, Victor Anastacio, Nonie Buencamino, Malou de Guzman, Shyr Valdez, at Samantha Lopez.
Ito’y mula sa direksiyon nina Jerry Sineneng at Irene Villamor at magsisimula na sa January 15, after “Black Rider.”