HANGGANG kailan nga ba dapat magbigay ng suportang pinansyal ang isang breadwinner ng pamilya?
I’m sure marami sa atin ang nakaka-relate sa tanong na yan, lalo pa’t talaga namang makapamilya ang mga Pinoy at bahagi na rin yan ng ating kultura mula pa sa ating mga ninuno.
Halos lahat tayo’y dumaan sa pagiging breadwinner at kung minsan ay nakakaramdam na rin tayo ng sobrang pagod at pagkasawa kaya may pagkakataong masasabi mo na lang, “hanggang kailan ko ba gagawin ‘to?”
Sa isang video mula sa Cosmopolitan Philippines, natanong ang actress at beauty queen na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach tungkol sa isyu ng pagiging breadwinner.
“Tired of providing for my family because I want to start a family, or even have a life of my own. How do I open up this topic to my parents and siblings? And until when ba talaga dapat magbigay?” ang question ng isang netizen.
Simulang sagot ni Pia, “Oh my goodness! This is tough. A lot of Filipinos are breadwinners of their families and mahirap kapag sinanay mo na rin in a certain way.”
Pagpapatuloy niya, “You need to have a conversation with them. You need to be honest and upfront. Pwede mo rin namang unti-untiin, na instead of completely cutting off financial support pwedeng babawasan mo muna.
“Or maybe suggesting the idea that your siblings find a job of their own. Or opening up the idea to your parents na, ‘Ma or Pa, parang gusto ko nang mag-ipon kasi siyempre gusto ko ring magkaroon ng sarili kong pamilya. Tingin mo?’ Tapos pakinggan mo lang,” dugtong ng wifey ni Jeremy Jauncey.
Baka Bet Mo: Angelica Panganiban ‘naloka’ sa pagiging clingy ni Baby Bean: Ngalay na ngalay po tayo ngayon
Payo pa niya, “Start the conversation, you don’t have to shock them. I don’t think something like this will have a good reaction if you just rip it off like it has to be done slowly, parang you taper off the support paunti-unti.”
Sey pa ng aktres at TV host, hindi masama ang pagtigil sa pagbibigay ng financial support sa pamilya, “Breadwinners always have this guilt na parang, ‘Oh am I being selfish if I don’t help anymore?’
“Girl, like sa totoong buhay it’s not our job to take care of everybody around us. You just do it because mabait ka, di ba? At mahal mo sila, di ba? But if you stop, that doesn’t mean you’re bad,” mariing chika pa ni Pia.