“STRUGGLE is real!” Ganyan inilarawan ng aktres at negosyante na si Kris Bernal ang kanyang pagiging first-time mom.
Inamin ni Kris na totoong may pagkakataon na nakakalimutan niya ang sarili dahil sa “pagkalunod” sa pagganap bilang nanay ng anak nila ni Perry Choi na si Hailee Lucca.
Emosyonal na nagbahagi ang Kapuso actress ng mga naging kaganapan sa buhay niya nitong nagdaang 2023 sa pamamagitan ng isang compilation video na ipinost niya sa Instagram.
Nag-share si Kris ng litrato nila ng panganay na anak kung saan nabanggit nga niya ang mga pinagdaanang challenges at sakripisyo bilang nanay.
“I’ve struggled mentally, physically, and emotionally. Not sure of who I was anymore.
Baka Bet Mo: Kris Bernal may ‘wish’ sa darating na Pasko: ‘Makatulog nang mahigit 2 hours!’
” My whole world felt so strange. I was drowned in motherhood. And, losing myself led me to find this newer version of me,” ang simulang pagbabahagi ni Kris.
Patuloy pa niya, “I am broken and then rebuilt, I am stronger. I cry harder and I love deeper. I am constantly learning, growing, and adapting.”
Kasunod nito, nag-post din ang aktres ng message para kay Baby Hailee, “To my little sunshine I never knew I needed. Thank you for saving me in 2023.
“You have filled a void in my heart that I know only could have been filled by you. Thank you, Lord, for the blessing of family,” sey ni Mommy Kris.
At para naman sa mga first-time mommy tulad niya, may mensahe rin si Kris para sa inyo, “To all the new moms, I see you, I feel you, let’s face 2024 with strength, resiliency, compassion, and grace (Even we’re all sleep-deprived).”
Ikinasal sina Kris at Perry noong September, 2021 at winelkam naman nila si Baby Hailee Lucca noong August, 2023.