‘Little Mermaid’ star Halle Bailey may baby na: ‘Welcome to the world, my Halo!’

Baka Bet Mo:

PHOTO: Instagram/@hallebailey

ISA nang ganap na ina ang “Little Mermaid” star na si Halle Bailey ngayong kakasimula lang ng taong 2024.

Sa Instagram, proud na ipinasilip ng Hollywood actress ang kamay ng kanyang baby na may suot na gold bracelet at nakalagay ang pangalang “Halo.”

Ayon kay Halle, ang pagsilang ng kanyang anak ang isa sa pinakamahalaga na nangyari sa kanyang 2023.

“Even though we’re a few days into the new year, the greatest thing that 2023 could have done for me, was bring me my son.. welcome to the world my halo [emojis],” caption niya sa IG.

Wika pa niya, “The world is desperate to know you [emojis].”

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes kinilig kay Halle Bailey: Baby Blythe would have totally freaked out

Si baby Halo ang first baby nila ng boyfriend na American rapper na si DDG.

Napakomento pa nga ang kanyang dyowa sa kanyang post at sinabing, “super mom [red heart emojis].”

Binati rin siya ng international singer-rapper na si Nicki Minaj, “Welcome to earth, Halo. We’ve been expecting you [happy face emoji] congrats, mama! [white heart emoji].”

Wika naman ng American actress-singer Rachel Zegler, “Welcome baby halo!!!!! and congratulations beautiful mama [heart hands emoji].”

Taong 2022 nang kumpirmahin ng celebrity couple na sina Halle at DDG na mag-dyowa sila makalipas ang mahigit isang taong pagliligawan.

Si Halle ang bumida sa karakter bilang Ariel sa live-action film na “The Little Mermaid” na ipinalabas noong Mayo.

Bago maging aktres ay kilalang singer si Halle kasama ang kanyang kapatid na si Chloe.

Ilan lamang sa mga fan favorites ay ang full-length albums nila na “The Kids Are Alright” na inilabas noong 2018 at ang “Ungodly Hour” na ni-release noong 2020.”

Read more...